Oplan Adlas (Aksyon at Determinasyon Para Sa Ligtas, Luntian at Masustansyang Gulayan Sa Paaralan)

Authors

  • Maricar Oraña
  • Melisa Endaya
  • Charlene Barrozo

Keywords:

gulayan, gulayan sa paaralan

Abstract

INTRODUCTION

Ang OPLAN ADLAS (Aksyon at Determinasyon para sa Ligtas, luntian At masustansyang gulayan Sa paaralan-ADLAS) ay nabuo bunsod sa proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon na nagpapalawig ng pagkakaroon ng "Gulayan Sa Paraalan". Hinihimok ang paaralan, mag-aaral, mga guro, mga magulang at mga opisyales ng barangay na makiisa at maging aktibo sa pagtatanim ng gulay para sa malusog at produktibong mamamayan. Layunin din ng proyektong ito n matuldukan ang malnutrisyon sa mga mag-aaral.

METHODS

Sinimulan ang OPLAN ADLAS sa pamumuno ngaming butihing punongguro na si Gng. Cristina V. Panganiban. Nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga guro, magulang, PTA officers at opisyal ng barangay kasama ang aming masipag na punong barangay. Dito pinag-usapan at pinag-aralan ang mga gagawing hakbang para sa pagsasagawa ng Gulayan sa Paaralan. Dahil sa mabilis na pagtugon ng mga kasapi ito ay nagpamalas ng pakikiisa at pagtutulungan para sa batang Adlasenio.

RESULTS

Matagumpay na nailunsad ang OPLAN ADLAS noong Setyembre, 2018. Sa nakalipas na mga buwan ng paghahanda at pagtutulungan naipakita ng mga Adlasenio na kaya pala nilang magkaroon ng gulayan sa mga maliliit na bakanteng ispasyo lalo na sa mga likuran bahagi ng mga silid-aralan sa aming paaralan. Nasaksihan naming ang unti unting pagsibol ng aming mga itinamin para sa malusog na mag-aaral at malusog na komunidad. Ito ang bunga ng aming proyekto:

  1. Ang mga stakeholders ay nagkaroon ng matibay na samahan na may layuning mawakasan ang malnutrisyon sa aming komunidad.
  2. Naging bahagi ang OPLAN ADLAS sa aming SBFP kung saan ang aming naaning gulay ay naging sangkap sa mga putaheng inihahanda para sa mga batang nagbenepisyo ng programa.
  3. Natutunan ng mga magulang ang paggamit at paggawa ng organikong pataba dahil sa tulong at talino ni G. Wenifredo B. Layugan na nagpakitang turo kung paano ito gawin.
  4. Sa aming araw-araw na feeding sa aming kantin malaking tulong ang mga gulay sa aming paligid bilang sangkap ng mga lutuing nagbibigay ng sustansya sa aming mag-aaral. Gaya ng paggamit ng pandan sa champorado, malunggay sa lugaw at kulitis sa sopas. Mga gulay na hindi kilala ng mga bata na may sustansyang dala para maging malusog sila.

DISCUSSIONS

Ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng buong komunidad na anaging daaan upang mahikayat angbawat isa na magtanim ng gulay di lamang sa paaralan kundi maging sa kani-kanilang tahanan. Naunawaan din nila ang kahalagahan nito bilang sangkap upang malabanan at matuldukan ang malnutrisyon sa kabataang Adlasenios.

Published

2019-01-18