Lebel ng Kasanayan sa Pagbasa ng Mga Mag-Aaral sa Ikatlong Baitang: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pagsasanay sa Pag-Unawa sa Binasa
Keywords:
Lebel ng Kasanayan, Pagbasa, Kagamitang Pagsasanay, Pag-Unawa sa BinasaAbstract
INTRODUCTION
Ang Pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Angkawalan ng kaalaman at pag-unawa sa kasanayang ito ay nakakaimpluwensya nang malaki sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Batay sa resulta ng paunang pagsusulit (Phil IRI Test) at sa kinalabasan ng mga kasanayang di-namaster sa ikalawang markahang pagsusulit, natuklasan ang kahinaan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa kung saan, may bilang na isandaan (100) ang nasa antas ng kabiguan. . Dahil dito, ang mananaliksik ay nagsagawa ng isang pag-aaral upang matukoy ang lebel ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang.
METHODS
Pamamaraang palarawan ang ginamit upang matukoy ang kaugnayan ng mga kagamitang pagsasanay sa pagbasa sa pagpapataas ng antas ng pang-unawa. Ang mga datos ay tinuos sa pamamagitan ng bahagdan (percentage), kadalasan (frequency) at tamtaman (mean).
RESULTS
DEMOGRAPIK PROFAYL NG MGA MAG-AARAL AYON SA EDAD AT KASARIAN
Ayon sa tala, sa 100 kalahok, 34 o 61% ang lalaki at 25 o 57% ang babae. Mahigit animnapu (60%) bahagdan ay nasa 8 taong gulang.
LEBEL NG KASANAYAN SA PANIMULANG PAGSUUSULIT
Pinakamataas anglebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng detalye (M= 3.10) Katamtaman. Pinakamababa sa Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari (M=1.76.) Mahina-hina. Ang pangkalahatang mean na 2.23 ay nasa lebel na "Mahina-hina".
LEBEL NG KASANAYAN SA PANAPOS NA PAGSUUSULIT
Ang pangkalahatang mean na 4.18 ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay nasa lebel ng "Mahusay".
PAG-UNLAD NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA NG MGA MAG-AARAL
Ang mean sa panimulang pagsusulit na 2.23 ay nasa lebel na Mahina-hina samantalang sa panapos na pagsusulit ang mean na 4.18 ay nasa lebel na Mahusay. Ang antas ng pag-unlad ay 1.95.
DISCUSSIONS
Ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa panimulang pagsusulit ay nasa lebel na Mahina at Mahusay sa panapos na pagsusulit. Malaking bahagi ang ginampanan ng mga guro sa mabilis na pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral gamit ang mga kagamitang pampagsasanay. Ang mga guro ay dapat maging malikhain sa pagtuturo ng pagbasa upang maging kapana-panabik ang oras ng pagbabasa ng mga mag-aaral. Ang mga magulang ay nararapat na makipagtulungan sa mga guro sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at panahon sa pagsubaybay sa pagbabasa ng kanilang mga anak.