Kasanayan Sa Gramatika Sa Pagsulat Ng Konseptong Papel Ng Mga Mag-Aaral Na Nasa Grade 11 Sa Upland Integrated National High School

Authors

  • Lionell Aniciete

Keywords:

Kasanayan, Gramatika, Ortograpiya, Konseptong Papel, Pananaliksik

Abstract

INTRODUCTION

Ayon sa pinakabagong K to 12 Core Curriculum o mas kilala sa tawag na Curriculum Guide sa Disiplinang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon (2013), inaasahang ang mga mag-aaral ay "Nakapagpamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik" ito ay nakabatay sa Pamantayan sa Pagganap isang bahagi sa nasabing Gabay sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa nakasaad sa Department of Education Order No. 8 s.2015 Policy Guidelines on Classroom Assessment for K to 12 Basic Education Program na kinakailangan na ang guro aymagsagawa ng isang "assessment method" o balidong sukatan ng pag-unlad ng performans o kakayahan ng mag-aaral na nakalinya sa "curriculum standards." Nagkaroon ng kalituhan ang mga mag-aaral sa kung ano at paano ang batas at alituntunin mula sa Makabagong Ortograpiyang Filipino.

METHODS

Gumamit ng palarawang pamamaraan ng pananaliksik na may pangunahing instrumentong maikling sarbey, mga pagsasanay at rubriks para sa makatwirang pagpupuntos ng Konseptong Papel.

Gumamit ng stratified sampling ang mananaliksik upang makuha ang kanyang tinatayang bilang lamang ng mag-aaral na magamit sa pananaliksik. Lumabas na 40 mag-aaral sa buong track/strand ng Grade 11 sa Upland Integrated National High School ang naging tagasagot.

RESULTS

Batay sa resulta ngmga pagsusuri sa mga datos, nabatid na maganda ang naidudulot ng pagsasanay panggramatika na isinasagawa ng mananaliksik upang malaman ang kasanayang panggramatika sa pagsulat ng konseptong papel ng mga mag-aaral.

Batay rin sa ginawang pagsasagot ng mga mag-aaral sa mga pagsasanay lumabas ang berbal na interpretasyon na " di gaanong mataas" ang kanilang iskor. Sa paglalapat na nito sa pagbuo ng konseptong papel, nakita sa mga iskor ng bata sa tulong ng rubriks na mas napaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa gramatika. Higit na nakatawag ng pansin ang iskor ng mga mag-aaral sa kasanayan sa gramatika ukol sa mekaniks o pagbabaybay sa madali't sabi ay sa ispeling ng mga salita.

DISCUSSIONS

Nagkaroon ng kalituhan ang mga mag-aaral sa kung ano at paano ang batas at alituntunin mula sa Makabagong Ortograpiyang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang lubusang ma-assess ng mga guro bilang facilitator ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral gramatika. Makapagdudulot ng pagpapaunlad sa kasanayan sa gramatika ng mga mag-aaral sa Grade 11.

Published

2019-01-18