Kabisaan Ng Tatlong Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Filipino-VIII

Authors

  • Razel C. Pajarillo

Keywords:

Filipino, Estratehiya, Pagtuturo, SIM (Strategic Intervention Material)

Abstract

INTRODUCTION

Modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbuo sa ika-21 siglo ang pokus ng pag-aaral ng kumpetisyon sa mga paaralan ngayon. Layunin ng K-12 Kurikulum ang dekalidad na edukasyon. Isa sa pagtamo ng layunin ng K-12 ay ang Filipino. Subalit sa programang National Achievement Test saFilipino na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon lumabas sa resulta ng NAT sa panuruang taon 2016-2017 na ang resulta sa Filipino sa Gamut National High School ay nakakuha ng mababang resulta. Bilang tugon nito, ang mananaliksik ay naglalayong matukoy angmga epektibong estratehiya sa pagtuturo sa Filipino at nang maibahagi ito sa mga uro na nagtuturo sa asignaturang ito.

METHODS

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo at kwantitatibo na nilapatan ng disenyong komparatibo. Estandardisadong talatanungan ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga datos mula sa mga sampol na mag-aaral sa pre-test at post-test. Ang mga respondente ay mga mag-aaral sa Filipino VIII na napabilang sa regular na seksiyon. Random sampling at fishbowl ang ginamit sa pagtukoy ng mga respondente.

RESULTS

Natuklasan sa pag-aaral na mayroong mahalagang pagkakaiba ang resulta ng mean score ng pre-test at post-test ng mga sampol batay sa tatlong nangungunang estratehiyang ginamit sa pagtuturo. Highly significant ang post-test sa tatlong metodo sapagkat mas mababa ang P-value na 0.000 sa 0.067 level of significance. Naging suliranin ng mga guro sa Filipinbo ang kakulangan sa oras sa pagtuturo dulot ng iba't ibang gawaing pampaaralan, kawalan ng interes ng mgamag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang Filipino dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya. Ang nabanggit na mga suliranin ang naging dahilan ng mababang resulta ng NAT sa Filipino. Naging suliranin naman ng mga mag-aaral ang pisikal na kalagayan ng paaralan, kawalan ng kawilihan sa pagbabasa sa mga akdang pampanitikan, malnutrisyon at estado ng kanilang kalusugan. Dulot nito ay mahalagang gumamit ng mabisang estratehiya at kagamitang pampagtuturo tulad ng SIM.

DISCUSSIONS

Ang estratehiyang pagtuturo na nilapatan ng audio-visual, pang-akademikong laro at lekstyur ay madalas ginagamit ng guro sa pagtuturo. Naging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung lalapatan ng angkop na estratehiya.

Published

2019-01-18