Isang Pagtatasa Sa Kaugalian at Kasanayan Ng Mga Guro Sa Pagtuturo Batay Sa Pagkakapantay Pantay Na Karapatan Ng Bawat Mag-Aaral
Keywords:
Pagtatasa, Kaugalian, Kasanayan, Guro, Pagtuturo, Pagkakapantay Panta, Karapatan, Mag-AaralAbstract
INTRODUCTION
Isa sa mga pangunahing pagkakakilanlan nang mahuhusay at epektibong guro ay kung nasusunod niya ang mga alituntuning inaasahan sa kanyang makita sa larangan ng pagtuturo na isinasaalang-alang ang mga mag-aaral, mga kagamitan sa pagtuturo, kapaligiran sa paaralan, mga araling dapat ituro, teknolohiyaat konsepto ng aralin dapat ilahad sa mga mag-aaral. Ang ilan sa mga kagamitang ginamit sa paghahanda sa pagtuturo ng guro ay ang PPSTÂ tool kung saan tinitingnan ang pangkalahatang kakayanan niya bilang isang mahusay na guro.
METHODS
Sampling Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng purposive sampling upang makuha ang kabuuang bilang ng respondent na mga gurong nagtuturo ng Filipino sa lahat ng bayan sa buong Cavite.
RESULTS
Ipinakita dito na ang halos lahat ng guro na nagtuturo ng Filipino na may posisyong Guro I, II at III ay nagtatalaglay ng ilang mga kaugalian at kasanayan batay sa pagkakapantay-pantay ayon sa karapatan ng bawat batang babae at batang lalaki sa loob ng silid-aralan. Ang ilan sa mga Gurong I, na nagtuturo ng Filipino ay nagpakita ng paghahanda ng plano ng upuan kung saan nagpapakita ng katangian ng mga babae at lalaki sa parehong bilang at kapwa isinasali sa mga gawain. Maaring ito ay marahil sa ang mga Gurong I say nagtataglay ng mga aydeyal na pag-iisip ayon sa planong pang-upuan. Marami sa mga gurong namasid sa loob ng silid-aralan, na nagtuturo ng Filipino ay nakakitaan ng suporta at panghihikayat sa parehong babae at lalaki na maging lider ng klase na may roong isang babae at isang lalaki na katuwang sa pamumuno. Malakas na sinasang ayunan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga obserbasyong nakitaan na mas marami pa ding guro ang mataas at may sensitibong pagtingin sa kasarian ng bawat mag-aaral batay sa pagkapa sa abilidad nila, gawi ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral, partisipasyon ng mag-aaral sa silid-aralan, sa kanilang kapaligiran, at pagsasanay at pag-unlad sa kanilang sarili.
DISCUSSIONS
1. Ang sarbey shit na may anim na kategorya na naglalaman ng labing apat na aytem sa kabuuan ang gagamitin ang bilang ng kalahok.
 2. Ang bilang ng kalahok ay nagmumula sa primary at intermedia sa lahat ng Munisipalidad ng Cavite.
 3. Ang kabuuang bilang na anim na respondent sa bawat munisipalidad ang ginamitan ng mga mananaliksik mula sa kategoryang malaki, katamtamang lakiat maliit na paaralan.
 4. Kaalinsabay nito ay gagamit din ang mga mananaliksik ng interview surbey sa mga dalub guro, gurong tagasanay at mga guro sa Filipino sa napiling paaralan.