Isang Pagsusuri Ng Mga Salita Sa Lenggwahe Ng Mga Beki

Authors

  • Jackeleyn Joan Clarete

Keywords:

Pagsusuri Ng Mga Salita, Lenggwahe, Beki

Abstract

INTRODUCTION

Layunin ng mananaliksik na malaman ang katawagan sa isang bagay, tao, lugar, pangyayari gamit ang lenggwaheng bakla. Batid din malaman kung paano nabuo ang mga salita. Palarawan at. pakikipanayam ang instrumentong ginamitng mananaliksik sa mga respondente na nagtatrabaho sa Parlor ng Bayan ng Ibaan. Napatunayan ng mananaliksik na may iba't ibang paraan ng pagbuo ng mga salitang Beki. Nakitaan rin na nagkakaroon ng ibang katawagan ang ibang beki sa isang salita dahil sa heograpikal, morpolohikal at ponolojikal na barayti.

METHODS

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptibo na pamamaraan. Ang metodolohiyang ito ay nagpapaliwanag at nagpapakita ng lagay o gawi ng isang paksa. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang kakaibang lenggwahe ng mga beki sa makabagong panahon at ang pagbabago ng lenggwahe ng mga tao sa bayan ng Ibaan gayun din ang mga dahilan at epekto nito sa lipunan.

RESULTS

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:Maraming salita, parilala o pahayag ang ginagamit ng mga respondente sa pakikipagtalastasan. May mga ibat ibang salita sa gay lingo na iisa lamang ang kahulugan sa Filipino at ibang mga salita sa Filipino na walang kahulugan sa gaylingo ito ay batay sa panayam sa mga respondente.

DISCUSSIONS

Mula sa mga napagsama-samang datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kaalaman:Nalaman ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral ang kalimitang mga salita, parilala o pahayag na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng piling respodente na nagtatrabaho sa parlor ng Ibaan. Nalaman din ng mga mananaliksik ang dahilan kung bakit ginagamit ng mga beki ang gay lingo ay upang matakpan ang mga anghel na tenga sa kapaligiran. Bukod dito nalaman din ng mga mananaliksik na ginagamit nila ito upang maitago ang mga usapan na ayaw nilang malaman ng iba. Nalaman din ng mga mananaliksik na masaya ang mga parlorista sa paggamit ng kanilang lenggwahe dahil ayon sa mga respondente ito ang paraan upang makamtan nila ang pagkakaisa at magkaunawaan ng walang nasasaktang ibang tao. Sa kabilang banda, nalaman din ng mga mananaliksik na hindi na lamang ang mga beki ang nakakaintindi o nakakaunawa ng gay lingo. Natuklasan ng mga mananaliksik na hindi lahat ng salita sa wikang Filipino ay may katumbas sa gay lingo. May mga pagkakataon na parehas lamang ito sa wikang Filipino.

Published

2019-01-18