Isang Pag-Aaral Ukol Sa Karaniwang Uri Ng Pamumuno Sa Iba't Ibang Yunit Ng Lipunan Ayon Sa Persepsyon Ng Mga Piling Mag-Aaral Ng Mataas Na Paaralang Teknikal Ng General Mariano Alvarez
Keywords:
Karaniwang Uri ng Pamumuno, Yunit ng Lipunan, Persepsyon ng Mag-aaralAbstract
INTRODUCTION
Ang mundo ay pinapaikot ng konsepto ng pamumuno. Ang lahat ng mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon upang maging isang pinuno, tagasunod o maging pinuno at tagasunod depende sa sitwasyon. Ang konsepto ng pamumuno ay likas sa isang lipunan. Ang iba't ibang yunit ng lipunan: ang tahanan bilang primaryang yunit kung saan unang nahuhubog ang isang indibidwal, ang paaralan kung saan pinagyayaman ang kalaaman at nahahasa ang likas na pagkikipagkapwa-tao, ang simbahan bilang sentro sa pangrelihiyong aspeto, at ang pamahalaan na nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas, ay ilan lamang sa mga mahalagang sangkap ng isang pamunuan.Sa pag-aaral na ito, natuklasan ang paraan ng pamumuno sa iba't-ibang yunit ng lipunan sa kasalukuyang panahon, batay sa obserbasyon ng mga kabataan, partikular na sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Teknikal ng General Mariano Alvarez.
METHODS
Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng deskriptibong disenyo sapagkat naglalayon itong alamin ang pananaw ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral ay isinagawa mula Hulyo hanggang Agosto taong 2017, ang mga kalahok ay mga mag-aaral mula Baitang 7-12. Ang bilang ng mag-aaral na nakiisa ay 919. Sila ay nagbigay ng kanilang pananaw sa kasalukuyang uri ng pamumuno. Upang maisakatuparan ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng maikling talakayan tungkol sa tatlong uri ng pamumuno na karaniwan lamang. Ito ay ang pamumunong demokratiko, awtoritaryan at totalitaryan. Pagkatapos ng talakayan ay nagpasagot ng talatanungan ang mga mananaliksik upang makuha ang kanilang pananaw. Ang talatanungan ay tutugon sa uri ng pamumunong isinasagawa sa loob ng tahanan, paaralan, gobyerno at simbahan.
RESULTS
Batay sa nakuhang datos ng mga mananaliksik mula sa sagot ng mga kalahok sa talatanungan, lumabas nademokratiko ang paraan ng pamumuno ng mga magulang, mag-aaral, politiko, at simbahan. Sa kabilang banda, awtoritaryan ang lumabas na umiiral na pamumuno ng mga guro sa loob ng paaralan habang nagtuturo ngunit demokratiko naman pagkatapos ng talakayan ng mga aralin.
DISCUSSIONS
Sa paglipas ng panahon ay nanatiling demokratiko ang uri ng pamumuno ng karamihan sa mga Pilipino, anuman ang antas at yunit ng lipunan. Ang pagkakaroon ng pamumuno ng mamamayan, binubuo ng mamamayan, at para sa mamamayan ay lumabasna pinakaangkop na paraan ng pamumuno.Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, mahihinuhang sa kabuuan, masasabi nating ang mga pangunahing yunit ng lipunan ay namamahala sa paraang demokratiko.