Proyektong Basa Pa (Bata Ay Sanayin sa Pagbasa): Tugon sa Pagtaas ng antas ng Pagbasang Mga Mag-Aaral sa Sangay ng Lungsod ng Lipa
Keywords:
PagbasaPag-aaral KurikulumAbstract
INTRODUCTION
Ang pagbasa ay ang interaksyon ng mambabasa at ng nakalimbag na wika na kung saan ang mambabasa ay nagtatangkang bumuong muli ng mensahe mula sa pagkakaunawa sa mensahe ng manunulat. Kung kaya't sa limang makrong kasanayan, ang pagbasa ay bihirang isagawa ng mga mag-aaral sapagkat ito ay nangangailangan ng panahon at kakayahang pangkaisipan.Sa kasalukuyan, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpapatupad ng mga programang nauukol sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Kabilang na rito ay ang may kaugnayan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino partikular na sa pagbasa.Gayon na lamang ang paghahangad ng mananaliksik na bumuo ng isang programa sa pagbasa para sa Sangay ng Lungsod ng Lipa upang matulungan ang bawat batang Lipeño na maging bihasa sa pagbasa.
METHODS
Ang resulta ng Panimulang Pagtatasa (PHIL-IRI) ang naging batayan upang matukoy ang antas ng kakayahan sa pabigkas na pagbasa at ang antas o libel ng pag-unawa sa pagbasa. Ito ay mula sa report na ipinasa ng mga paaralan.Ang istatistikal tritment sa mga datos gaya ng frequency at distribusyon ng iskor, at percentage ang ginamit para sa pagbibigay ng interpretasyon sa magiging resulta ng pag-aaral.Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwantiteytib na disenyo, pagkuha ng mga datos at pag-aanalisa ng naging resulta ng pag-aaral.
RESULTS
Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga guro na nagtuturo ng Filipino sa elementarya upang malaman nila ang mga akmang stratehiya sa pagtuturo ng pagbasa at maunawaan ang mga sagabal sa mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga pagpupulong ng mga guro ng Filipino, koordineytor at mga punong guro ay mapagtitibay kung paano mapauunlad ang libel ng pagkatuto ng mga mag-aaral at makabubuo ng mga angkop na stratehiya at interbensyon at mga programa para mapaunlad ang kakayahan sa pagtuturo. Ang pagbibigay ng teknikal na paggabay sa mga guro sa mga obserbasyon sa klase at ang pagbibigay ng rekomendasyon ay magiging kapaki-pakinabang sa kanila.
DISCUSSIONS
Napatunayan na malaking tulong ang pag-oobserba o pagmamasid sa klase sapagkat nakapagbibigay ang punong guro at tagamasid ng mga kinakailangang rekomendasyon sa lalo pang ikauunlad ng pagtuturo.Nahahasa ang kasanayan ng mga guro sa paggamit ng iba't ibang stratehiya at dulog sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Napagtanto ng mga guro naang mga mag-aaral ay iba-iba ang kakayahan, libel ng pagkatuto at interes na nakaaapekto sa perpormans nila sa loob ng silid-aralan. Nagkaroon ng ideya ang mga punong guro sa kung anong magandang programa sa pagbasa ang angkop na kani-kanilang paaralan.