Kaugnayanng Pangkatang Gawain sa Pagkatutong Mga Mag-Aaralsa Baitang IV-VIsa Asignaturang Filipino sa Mababang Paaralanng Bagbag I

Authors

  • Evelyn Dela Cruz

Keywords:

ASSESSMENT TOOL, BAHAGDAN, ESTRATEHIYA

Abstract

INTRODUCTION

Ang guro ay dapat na magsaliksik o tumuklas ng mga paraan upang higit na matutunan ng kanyang mga mag-aaral ang itinuturo sapagkat ang mga mag-aaral ang sentro ng proseso para sa pagtuturo at pagkatuto. Makatutulong ang pag -aaral na ito upang maging epektibo ang pagtuturo ng mga guro at maging produktibo ang mga mag-aaral gamit ang pangkatang gawain. Para sa mga mag-aaral na silang sentro ng pag-aaral na ito, ang pagsasaliksik na ito ay higit na makatutulong upang maging produktibo ang mga mag-aaral at mabigyan sila ng pagkakataong lumahok at mapalakas ang kani-lang kasanayan upang matuto sa tulong ng pangkatang gawain.

METHODS

Ang modelong ginamit sa pananaliksik ay aksiyong pananaliksik sapagkat ito ang paraan para sa pagkilos ng mananaliksik upang makabuo ng agarang solusyon sa nakitang suliranin sa pagtuturo sa asignaturang Filipino. Gumamit ng assessment tool, frequency counts, at pagkuha ng bahagdan ang mananaliksik.

RESULTS

Ang mga nakalap na datos ay sinuri at inilagay sa akmang talahanayan ng mananaliksik upang mabigyang linaw ang interpretasyon. Ang paggamit ng frequency at pagkuha ng bahagdan ay kinakailangan. Batay sa mga nakalap na datos, nakuha ang sumusunod na resulta :Sa 100% na mag-aaral, 74% ang lubos na sumasang-ayon na ang pangkatang gawain ay nakatutulong sa pagbuo at pag-iisip ng bawat mag-aaral. 15% naman ang sumasang-ayon sa salik na ito. Samantalang ang 8% mag-aaral ay may pag-aalinlangan, at 3% naman ang hindi sumasang-ayon. 40% ng mag-aaral ay lubos na sumasang-ayon na sa pamamagitan ng pangkatang gawain, nailahad nila ang sariling ideya at pangangatwiran. Mas nakakatulong ito sa kanila dahil nailalabas nila at nasasabi ang kanilang iba't ibang pananaw ukol sa paksang kanilang pinag-uusapan.

DISCUSSIONS

Ang mga nakalap na datos ay sinuri at inilagay sa akmang talahanayan ng mananaliksik upang mabigyang linaw ang interpretasyon. Ang paggamit ng frequency at pagkuha ng bahagdan ay kinakailangan. Batay sa mga nakalap na datos, nakuha ang sumusunod na resulta : batay sa pananaliksik, lumabas na may kaugnayan ang pagkatuto ng mag-aaral sa paggamit ng istratehiyang pangkatang gawain. Ang istratehiya o pamamaraan ng pagtuturo upang matuto ang mga mag-aaral ay nakasalalay pa rin sa guro.

Published

2019-01-18