Ebalwasyon ng Feeding Program Para sa Mga Severely Wasted na Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang Pisikal at Akademikong Kalusugan, Taong Panuruan 2017-2018
Keywords:
Feeding program, ebalwasyon, severely wasted, pisikal, akademikong kalusuganAbstract
INTRODUCTION
Naglalayon ang pag-aaral na ito na suriin ang naging epekto ng feeding program para sa mga batangkinakitaan ng pagiging severely wasted sa kanilang pisikal at akademikong kalusugan. Ang mga kinonsiderang severely wasted na mga mag-aaral ay batay sa body mass index na kinukuha ng nars na pampaaralan sa pagsisimula ng taong panuruan. Layunin din ng pagsusuring ito na magkaroon ng ebalwasyon tungkol sa feeding program at ang pagiging epektibo nito.
METHODS
Unang itinala ang layunin ng feeding program, mga elementong nakapaloob dito, mga hakbang na isinagawa para maisakatuparan ang programa. Bilang guro na siya nakatalaga sa pamamahala ng kantina, ako bilang tagapagsaliksik ang siya ring nagsasagawa ng mga hakbang sa programa. Malaki ang ambag nito dahil personal kong nasasaksihan at isinasagawa ang iba't ibang hakbang, mula sa pagpaplano ng menu, pamimili ng sangkap, paghahanda ng pagkain, at pagpapakain sa mga batang severly wasted. Pagkatapos tumakbo ng programa mula August 2017 hanggang Enero 2018, nagkaroon muli ng pagsusukat ng body mass index ng mga batang severly wasted nang sa gayon ay makita ang kanilang pagunlad sa kaangkupang pisikal.
RESULTS
Matapos ang pangangalap ng iba't ibang datos, napag-alaman sa pag-aaral na lahat ng mga bata aykinakitaan ng pag-unlad sa pisikal na kalusugan. Ito ay dahil hindi na sila masasabing mga severely wasted, maliban sa ilang ispesipikong kaso. Nabawasan din ang kanilang mga araw ng pagliban sa klase, at nagpakita sila ng mas masigasig na pakikiisa sa kanilang mga klase. Pisikalna enerhiya ang karamihan sa obserbasyon ng kanilang mga guro. Nagsitaasan din ang kanilang mga marka sa pagtatapos ng taong panuruan 2017-2018. Dahil dito, mailalagom na habang ang programa ay nakakapagbigay ng sagot sa pisikal na pangangailangan ng mga batang naging severely wasted, may kakulangan ang programa sa pagtuturo ng kahalagahan ng kalusugan sa mga batang ito. Kailangan ding magkaroon ng followup na programa para sa mga batang hindi pa rin nakaalis sa severely wasted na estado pagkatapos ng taon.
DISCUSSIONS
Naging limitasyon ng pag-aaral ang mga kakulangang kinakaharap ng mga mag-aaral sa labas at loob ng paaralan. Dahil pananghalian lamang ang sakop ng feeding program para sa mga severely wasted, hindi kontrolado ang iba pang makakain ng mga bata sa ibang ng araw. Ang pag-aaral na ito ay nais makapag-ambag sa pagpapatuloy at pagsasaayos pa ng iba't ibang feeding program sa Talon Elementary School at sa iba pang mga paaralan.