Dinamiko Ng Wikang Filipino: Impluwensiya Ng Neolohismo Sa Kasanayan Sa Pakikipagtalastasan

Authors

  • Maria Diovinia Espinosa

Keywords:

neolohismo, pakikipagtalastasan, wikang Filipino, exploratory sequential, millennial

Abstract

INTRODUCTION

Ang wikang Filipino ay lumalawak sa paglipas ng panahon. Sinasabing patay ang wika kung walang pagbabago itong tinatanggap. Marami ng pagbabago ang nangyari sa wikang ito dahil sa impluwensiya ng neolohismo mula sa mga salitang nabuo ng iba't ibang henerasyon. Mula sa mga wikang Kastila, Ingles at iba pang wika na nagmula sa banyaga, ito ay naging bahagi ng ating pakikipagtalastasn at hanggang sa ngayong panahon ng milinyal, mas maraming salita ang napadagdag sa diskyunaryong Filipino ang napabilang sa talasalitaan. Dahil dito, sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, ang mga mag-aaral sa Dyunyor Hayskul ay kinakailangan magkaroon ng unawaan sa mga makabagong salitang nabuo mula sa paglipas ng henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masuri ang impluwensiya ng neolohismo sa kasanayan sa pakikipagtalastasan bilang dinamiko ng wikang Flipino. Ang mga tagatugon sa pananaliksik ay nagmula sa Junior High School na nagmula sa walong pampublikongpaaralan sa Antas Sekundarya ng Silangan Distrito ng Dibisyon ng Lungsod Calamba.

 

METHODS

Gumamit ang mananaliksik ng Exploratory Sequential Mixed Method Design na kung saan sa paglikom ng kwalitatibong datos ay kinapanayam ang ilang piling mag-aaral sa pamamagitan ng isang "Focused Group Discussion" upang masukat ang lawak ng karanasan nila sa paggamit ng neolohismo.RESULTSMatapos makalap ang mga datos ng isinagawang pakikipanayam, masusing sinuri ang mga pahayag ng mga mag-aaral. Ang limang temang nangibabaw mula sa pakikipanayam ay Sekretong Lenggwahe ng Magkakaibigan, Pangkasiyahan, Pakikisabay sa Uso, Pang-iinis, at Eksklusibong Lenggwahe ng Kabataan. Ang mga temang ito ang ginamit upang suportahan ang mga kwantitatibong datos na nalikom upang malaman ang epekto ng paggamit ng neolohismo at antas ng kahusayang pangkomunikatibo ng mga Junior High School. Natuklasang malawak ang paggamit ng neolohismo at mahusay ang antas ng pakikipagtalastasang pasalita at pasulat at ito ay may epekto sa kahusayang pangkomunikatibo.

 

DISCUSSIONS

Ang lawak ng neolohismo ay ayon lamang sa mga makabagong salitang malimit ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipagtalastasan. Ang kahalagahan ng mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay malaking kontribusyon ng mananaliksik tungo sa mabisang pakikipagtalastasan at pagkakaunawaan sa asignaturang Filipino. At mula sa pananaliksik na ito ay nabuo ang "post-millenial" na diksyunaryo ng neolohismo. 

Published

2019-01-18