Motibasyon sa Edukasyon ng mga Batang Mag-Aaral sa Ikatlo at Ikaapat na Baitang ng Loma Elementary School

Authors

  • Liezel Bautista

Keywords:

Motibasyon, Istratehiya, Reward, Pinansyal

Abstract

INTRODUCTION

Ang edukasyon ang isa sa mga maituturing na pinakamahalagang kalasag ng isang tao upang siya ay magtagumpay. Sa murang kaisipan ng isang bata ay dapat maikintal sa kanyang isipan na makatutulong ito upang mapaunlad ang kanyang sarili at magkaroon ng magandang kinabukasan Malaking tulong din ito sa ating patuloy na paglakadsa buhay at upang mapatatag ang ating buong pagkatao. Sabi nga, ng ating mga magulang ito ay pamana na higit pa sa kayamanan at di mananakaw. Subali't paano kung ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi nag-aaral at malimit lumiban sa klase?Nilalayon ng pag-aaral na ito na makita ang kadahilanan ng malimit na pagliban sa klase ng mga batang mag-aaral sa ikatlo at ika-apat na Baitang at alamin ang mga bagay na makakatutulong sa kanila bilang motibasyon upang sila ay makapasok sa paaralan nang walang liban.

METHODS

Aksyong pananaliksik ang ginamit na paraan ng mananaliksik upang makabuo ng agarang solusyon sa nakitang suliranin ng mga batang mag-aaral. Gumamit ang guro ng deskriptiv na disenyo ng pananaliksik, kung saan ay susuriin at susukatin ang mga datos na nakalap upang mabigyang solusyon ang suliranin. Gumamit ng survey na tala, frequency counts at pagkuha ng bahagdan ang mananaliksik.

RESULTS

Batay sa pananaliksik, ang mga batang mag-aaral sa Ikatlo at ika-apat na Baitang ng Loma Elementary School ay lumabas may 64. 8% o 46 na mag-aaral sa kabuuang respondent na 71 ang lubos na sumasang ayon na may problemang pinansyal. Ayon din sa isinagawangpag-aaral, ay lahat o 100% ng mga bata ang gustong makatapos sa pag-aaral. Samantala, 48 o 67. 61% ang nagsasabing nakatutulong sa kanila ang reward ng guro at magulang bilang motibasyon sa pagpasok sa paaralan.

DISCUSSIONS

Sa ating kapanahunan ang Edukasyon ay tunay na kayamanan na maituturing na susi sa kinabukasan n gating mga kabataaan. Sa taong ito, napansin ng guro na hindi nakabubuo ang mga bata ng kumpletong pasok sa loob ng isang kwarter kung kaya't isinagawa ang pag-aaral. Bahagi ng pag-aaral ang 35 batang mag-aaral mula sa ikatlong baitang at 36 na mga batang mag-aaral sa ikaapat na baitang ng Loma Elementary School, panuruang2018-2019. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga salik o kadahilanan ng malimit na pagliban ng mga bata sa klase at motibasyon na nag-uudyok sa kanila na pumasok sa paaralan araw-araw. At dahil dito, magiging batayan ito ng mga guro sa mga istratehiya at programa na makatutulong upang matagumpay na mapapasok ang mga mag-aaral sa paaralan araw-araw.

Published

2019-01-18