Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagpili ng Track/Strand sa Senior High School ng mga Mag-aaral Mula sa Baitang 10 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Paliparang Fernando
Keywords:
Tract, K-12, KolehiyoAbstract
INTRODUCTION
Napakaganda ng programa ng K-12 sapagkat ang mga mag-aaral sa SENIOR High School ay may mga opsyon kapag nakatapos ng Senior High School. May apat na kurikulum exits: Kolehiyo, Trabaho, Negosyo at Middle Level Skills. Dahil sa panibagong kurikulum sa Senior High School marami sa mga mag-aaral ang nahihirapang pumili ng track/strand sa Senior High School. Karamihan sa mga mag-aaral ay sinisigurado kung anong track/strand ang kanilang kukunin kapag tumungtong na sila sa Senior High School ngunit mayroong mga maaring maging hadlang na makaka apekto sa pag dedesisyon. Subalit may mga programa ang paaralan sa pamamagitan ng Career Guidance upang igiya ang mga mag-aaral sa kung anong track/strand ang kanilang kukunin sa Senior High School. Dahil sa mga dulog ito, ang mga mananaliksik ay nag laan ng oras ng oras sa paggawa ng saliksik tungkol sa kung ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng track/ strand sa Senior High School at kung paano ang magiging resulta o datos makakatulong upang matulungan rin ang mga mag aaral upang maging bukas ang kaalaman sa ibaibangtrack/strand.
METHODS
Ginamitan ang pag-aaral na ito ng deskriptibong sarbey. Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng 219 na mag-aaral na nasa ika-sampung baitang. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwestyuner na sasagutan ng mga respondante. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng mga modernong debays para malaman ang kabuuang mean at porsyento ng mga sinagutang sarbey-kwestyuner.
RESULTS
Ayon sa nangyaring sarbey, karamihan sa mga estudyante ay pinili ang Academic Track kung saan mas binigyang pansin nila ang strand na ABM. May mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng track. Sa personal na salik, nakakaapekto sa pagpili ng track ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga asignaturang posibleng i-offer. Sa kabilang banda, ang pamilyang salik na nakakaapekto sa pagpili ng track ay ang aspetong pampinansyal. Sa kabilang dako naman, ang sosyal na salik na nakakaapekto sa pagpili ng track ay ang pagiging demand ng track.
DISCUSSIONS
Iminungkahi ng mga mananaliksik na paigtingin pa ng paaralan ang Career Guidance Program sa mga mag-aaral. Dagdag pa rito, iminungkahi rin na mag-imbita ng ibang paaralan na mag-aalok ng scholarship o libreng pag-aaral. Marapat na magrekomenda ang paaralan ng dagdag strand/track sa mga mag-aaral na nais kumuha ng track na STEM, ABM, at HUMSS. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay sa mga susunod na mgamananaliksik.