Mga Pamamaraan ng Pagtatasa (Assessment) at mga Rubrik o Pamantayang gamit ng Guro sa Pagsukat ng Pagkatuto sa Araling Panlipunan: Isang Pagsusuri Tungo sa Pagpiling Epektibong Pamamaraan

Authors

  • Anna Rose Ramones

Keywords:

pamamaraan, pagtatasa, rubrik, epektibo, araling panlipunan, assessment

Abstract

INTRODUCTION

Isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagtuturo ay ang pagsukat ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang masusing pagpili ang paraan ng pagtatasa at mga rubrik na gagamitin ay kailangan upang masukat at malaman kung nagtagumpay ba o hindi ang guro sa pagtuturo. Kinakailangan ang mga napapanahong estratehiya sa pagtataya at pagkatuto upang mas epektibong maituro ang nararapat na kaalaman at mga batayang pampagkatutong kailangan ng mgamag-aaral.

METHODS

Sa pag-aaral na ito, tanging mga guro lamang na nagtuturo ng Araling panlipunan sa Juligan Elementary School ang naging tagatugon. Binubuo ito ng 30 guro sa elementarya. Ito ay sisimulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan o kwestyuner sa mga guro. susuriin at bibigyan ito ng interprepretasyon.

RESULTS

Ang pagsusuri ng pagiging epektibo ng mga pamamaraan sa pagtatasa ay nagpapakita na bagaman marami sa ating mga kaguruan ang gumagamit ng iba't-ibang rubrik o pamamaraan ng pagtatasa, may mga pamamaraan pa rin ng tinuturing nilang epektibo para masukat o gamiting rubrik sa pagtatasa ng mga asignatura tulad ng Araling Panlipunan. Hindi lahat ay maituturing na epektibo.

DISCUSSIONS

Ang pag aaral na ito ay nakapokus sa pagsususuri at ng mga pagtatasa at rubric o pamantayang gamit ng guro sa ibat-ibang antas tulad ng kaalaman, pag-unawa, proseso at produkto at pagganap sa pagsukat ng natutunan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Araling Panlipunan na magiging batayan sa paggawa ng isang programang pampagsasanay ng mga guro. Nilalayon ng pag-aaral na ito na higit na maibigay ang nararapat na kailangan ng mga mag-aaral upang higit na maisakatuparan ang lubos na pagkatuto na magiging angkop sa bawat mag-aaral. Hinikayat ng pag-aaral na ito ang mga guro na maging maingat at mapanuri upang maibigay ang wasto at mabisang paraan ng pagsusuri sa pinka epektibong pamamaraan.

Published

2019-01-18