Project Lift and Leap

Authors

  • Rinia Dorado

Keywords:

KIKO

Abstract

INTRODUCTION

Batay sa nakalap na mga datos mula sa resulta ng Unang Panahunang Pagsususlit ng Matematika sa Ikalawang Baitang nang Panuruang Taong 2014-2015

ang asignaturang ito ang nakakuha ng pinakakamababang "Mean Percentage Score" (MPS) na 75.43% noong Panuruang Taong 2015-2016 ito ay bumaba ng 2.10% (73.23%).

Noong 2016-2017, nagtala ito ng pinakamababang Mean Percentage Score (MPS) na 66.41%. Nagtamo ng pinakamababang kasanayan ang mga mag-aaral sa Ikalawang Baitang sapaglutas ng suliranin na may kinalaman sa pagdadagdag. Ang mga datos ay nagpapakita ng patunay na pagbaba ng MPS sa kasanayangkung kaya't ang proyektong "Lift and Leap" ay inilunsad upang mabigyan ng kalutasan ang suliraning ito.

METHODS

Ang mga interbasyon ay isinakatuparan tulad ng:

Hanap Bilang

Sungkitin at Bilangin

Putukan Na

Paggamit ng "Simplified-Localized Materials"

Nagkaroon din ng lingguhang pagtataya gamit ang iba't-ibang interbensyon.

RESULTS

Ang "Project Lift and Leap" ay nagdulot ng pagtaas ng MPS mula 66.41% tungo sa 82.80%.

DISCUSSIONS

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Project"Lift and Leap" natamo ng mga mag-aaral ng Ikalawang Baitang ang mga sumusunod;Pagtaas ng" MPS" sa limang magkakasunod na pagtatayang isinagawa.Higit na nakaganyak ng pakikilahok sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang mga lokal na kagamitan at gawain sa pagtuturo dahil sa ang mga ito ay mas madaling maunawaan at may kinalaman sa pang-araw-araw na karanasan ng mga mag-aaral.Ang paggamit ng ICT/Multimedia sa mga aralin ay nakapagpapaunlad sa layunin ng pagkatuto.

Published

2019-01-18