Pasikat..Pagpapaigting at Pagpapasiklab ng Kaalaman at Talento sa Wikang Filipino; Susi sa mas Matagumpay na Pag-Aaral ng Baitang 4 - Sses ng Lemery Pilot Elementary School, SY 2016-2017
Keywords:
pagpapaigting, pagpapayaman, kaalaman, kasanayan, pakikipagtalastasanAbstract
INTRODUCTION
Isang mabisang sandata sa pakikipagtalastasan ang wikang sinuso simula ng tayo ay matutong magsalita. Naipararating natin ang ating saloobin sa ating kapwa at nagkakaintindihan tayo sa nais na ipahayag. Malaki ang kakulangan ng isang tao kung hindi matututong magpahayag ng damdamin gamit ang sariling wika. Ito ang naging daan upang magsagawa ng pag-aaral ang may akda sa pagpapalawak ng talasalitaan ng kanyang mga mag-aaral na kinakitaan niya ng hindi magandang resulta ng mga pagsusulit sa mga asignaturang gumagamit ng Filipino sa pag-aaral tulad ng AP at EsP. Dito nabuo ang "PASIKAT: Pagpapaigting at Pagpapasiklab ng Kaalaman at Talento sa Wikang Filipino; Susi sa Matagumpay na Pag-aaral ng SY 2016-2017." Layunin nito na mahasa at maging bihas ang mga bata sa paggamit ng sariling wika lalo na sa pakikipag-usap sa kapwa.
METHODS
Ginamit ang palarawang pamamaraan ng pananaliksik sa ginawang pag-aaral kung saan nakapaloob ang mga sumusunod na istratehiya tulad ng sarbey para sa mga mag-aaral, kinalabasan ng Unang Panahunang Pagsusulit sa AP at EsP at ang mga inihandang pagsasanay.
RESULTS
Sa isinagawang pag-aaral, nakita na mababa ang marka ng karamihan sa mga bata sa mga araling gumagamit ng Tagalog o Filipino sa pagtuturo at pagkatuto. Sa nakalap na datos mula sa "average rating" ng lahat ng asignatura (Graph Blg. 1), lumalabas na ang Filipino, AP, EPP, MAPEH at EsP ay may mababang bahagdan kumpara sa ENSCIMA. Ito ay isa sa nagging basehan ng pag-aaral ng mananaliksik.
May 25 bata ang umaasa sa pribadong turo ng mga tutor at kalimitang pinagtutuunan ng pansin ay ang ENSCIMA. Ito ang nakitang dahilan ng mabagal na pag-unawa ng mga bata sa nasabing aralin na itinuturo sa wikang Filipino. Nahirati ang mga bata na gumamit ng hiram na wika, sa pagsagot sa mga tanong, kaya kahit ang simpleng paliwanag sa madadaling tanong ay hindi nila maipahayag nang maliwanag.
DISCUSSIONS
Sa kinalabasan, nakita na ang seksyong kinabibilangan ay isa naging dahilan upang mas higit na binigyang pansin nila ang ENSCIMA kaysa sa sariling wika dahil nais nilang laging manguna sa tatlong asignaturang ito. Dahil dito, nagkaroon ng kasunduan ang mga bata, mga magulang at mga gurong kabilang sa isinagawang pag-aaral na sa mga oras lamang ng tatlong asignatura papahintulutan ang mga bata na magsalita ng Inglis. sa mga nalalabing oras sa paaralan, Filipino o Tagalog ang gagamitin nila sa pakikipag-usap kahit kanino. Lalo at higit Filipino tayo na naninirahan sa ating bansa.