Debelopment Ng Suplemental Na Kagamitang Panturo Sa Panitikang Pandaigdig Sa Ika-10 Baitang Ng Manuel S. Enverga Memorial Schoolof Arts and Trades Mauban, Quezon
Keywords:
debelopment, panitikan, suplemental na kagamitang panturoAbstract
INTRODUCTION
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Suplemental na Kagamitang Panturo sa Panitikang Pandaigdig sa Filipino 10 Batay sa Resulta ng Una Hanggang Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino Taong Panuruan 2016-2017. Nilayon nitong malaman ang kompetensi na hindi gaanong natamo ng mga mag-aaral gayundin din upang matukoy ang lebel ng pagtanggap sa nabuong suplementong kagamitang panturo sa mga mag-aaral at guro sa ika-10 baitang sa Manuel S. Enverga Memorial School of Arts and Trades, Mauban, Quezon.
METHODS
Gumamit ang pananaliksik ng deskriptib-ebalwatib sa pag-aanalisa sa nabuong suplemental at sa pagtukoy ng antas ng pagtanggap ng mga gurong nagtuturo sa Filipino sa ika-10 baitang. Pinagbatayan ang resulta ng mean percentage score sa Filipino 10 sa Taong Panuruan 2016-2017 mula sa una hanggang ikaapat na markahang pagsusulit.
RESULTS
Natamo ng pag-aaral na ito ang lubos na pagtanggap ng mga gurong tagasagot sa suplementong kagamitan na nakakuha ng kabuuang timbang na 3.88 na may kwalitibong deskripsyon na lubos na katanggap-tanggap batay sa pamantayan: layunin, nilalaman, desinyo ng materyal, at sa dating/appeal. Natamo ng pag-aaral na ito ang lubos na pagtanggap ng mga mag-aaral na tagasagot sa suplementong kagamitan na nakakuha ng kabuuang timbang na 3.43 na may kwalitibong deskripsyon na lubos na katanggap-tanggap batay sa pamantayan: layunin, nilalaman, desinyo ng materyal, at sa dating/appeal sa gagamit.
DISCUSSIONS
Batay sa kinalabasan ng pananaliksik nakabuo ng sumusunod na konklusyon: maraming akdang pampanitkan ang magagamit sa pagbuo ng suplemental na kagamitan sa pagtuturo ng Filipino 10.