Ang Panitikang Popular sa Pagtuturo ng Filipino sa Ika-Anim na Baitang sa Ikalawang Distrito, Klaster 5 ng Dibisyon ng Lungsod ng Calamba: Isang Batayan sa Pagbuo ng Mungkahing Gawain
Keywords:
panitikan, kultura, kaugnayan sa pagtuturoAbstract
INTRODUCTION
Isa sa mga maituturing na mahahalagang prinsipyo sa pag-aaral ng panitikan at kulturang Pilipino ay nagsisimula sa pagtatatag ng kultura at paglalatag ng matibay na saligan na nakaugat sa buhay ng Pilipino.Hindi ito natatapos sa mga anyong pampanitikang kinilala, kailangan ding bigyan ng matamang pagsusuri ang mga bagong-usbong na akdang panitikan at paraan ng pagpapakita ng sining-Pilipino. Kabilang sa mga ito ang iba't ibang anyo ng panitikang popular. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay makita ang kahalagan ng dalas ng paglalakip ng Panitikang Popular sa pagtuturo ng Filipino sa ika-anim na baitang.
METHODS
Ginamit ang diskriptib na paraan na kasama ang mga dokumento sa pagkuha ng mga datos. Ang diskriptib na paraan ay akma kapag ang pag-aaral ay naglalayong malaman ang kasalukuyang katayuan o kondisyon nito. Ito ay naglalayong malaman ang kahalagan ng paglalakip ng panitikang popular sa pagtuturo ng Filipino at ang kaugnayan nito sa interes ng guro at mag-aaral sa asignatura.
RESULTS
Ayon sa pag-aaral , ang mga Panitikang Popular tulad ng tabloid, komiks, at magasin ay may pagkakaiba sa pananaw ng dalawang grupo ng tagasagot ayon sa paglalakip sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang Panitikang Popular na social media ay walang pagkakaiba ayon sa pananaw ng mgamag-aaral at mag-aaral. Ang dalas na paglalakip ng Panitikang Popular sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at interes ng mga guro at sa mga tabloid, komiks, magasin, at social media lumalabas na tanging ang tabloid at magasin lamang ang nakakuha ng Strong at Moderate na kaugnayan. Samantalang ang komiks at social media naman ay parehong nakakuha ng Weak at Very Weak na kaugnayan. Pinatunayan na makatutulong ang paglalakip ng Panitikang Popular sa pagtuturo ng Filipino upang maiakma ang aralin sa pangangailangan, kakayahan, at interes ng mga pangkasalukuyang guro at mga mag-aaral.
DISCUSSIONS
Maraming paraan ng pagtuturo ang nailunsad sa pamamagitan ng mga seminar at panayam subalit mapapansing iilang guro lamang ang nakikinabang dito at bumabalik pa rin sa makalumang pamamaraan. Ang kakulangan sa sapat na kagamitan at kaalaman upang matagumpay na maisakatuparan ang makabagong pamamaraang natutunan ay nakita sap ag-aaral na ito. Ang pagkahilig ng mga Pilipino sa pagbabasa ng panitikang popular na kinapapalooban ng magagandang istorya ng buhay, pag-ibig, pakikipagsapalaran, pangyayari sa tunay na buhay at makukulay na karanasang nakaukit na sa puso't diwa ng mga mambabasang Pilipino kung kaya't nagsisilbi itong inspirasyon sa kanilang pamumuhay.