Ang Paggamit Ng Sariling Wika Bilang Wikang Panturo Sa Pagtuturo Ng Matematika Sa Baitang Tatlo Sa Klaster II Ng Santa Rosa, Laguna: Batayan Sa Pagpapaunlad Ng Kaalamanat Kakayahan

Authors

  • Jeannie Del Rosario

Keywords:

Ang mabilis na pamamaraan sa pagkatuto

Abstract

INTRODUCTION

Ang sariling wika ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at transaksyon upang mabilis na magkaunawaan ang bawat isa. Isa din itong mabisang kasangkapan upang mabilis na maiparating ang saloobin na ideya at damdamin ng isang tao.Sa loob ng pampublikong paaralan ng Baitang 1 hanggang 3, ang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang sarilinilang wika at ito ay ang Filipino. Dahil sa wikang ito lubos silang nagkakaunawaan at nakakapagpalitan ng kuro-kuro at opinyon, dumadami din ang kanilang mgakaibigan dahil naipapahayag nila ang kanilang mga saloobin.Sa Pag-aaral na isinagawa ni Añonuevo (2016) (Ang Filipino Bilang Disiplina: Sakop, Lawak, at Potensiya ng Pagtuturo ng Panitikan Kaugnay ng Bagong Kurikulum Bunsod ng K to 12), ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo o disiplina; ito ay isang pambansang pananagutan. Ang papel ay kritikal na paglilimita sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa kasalukuyan, samantalang iginigiit ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng bagong kurikulumkaugnay ng K to 12.

METHODS

Deskriptibong pagsisiyasat ang ginamit sa pananaliksik na ito upang malaman ang epekto at saloobin ng paggamit ng sariling wika sa pagtuturo ng Matematika at performans ng may 250 na kalahok sa pag-aaral na nasa ikatlong baytang na nasa Klaster II ng Lungsod ng Santa Rosa Laguna.

RESULTS

Napatunayan na parehong makabuluhan/tanggapin ang wikang Filipino at Ingles ngunit mas makabuluhan ang wikang Filipino na gamitin sa pagsusulit ayon na rin sa mataas na karaniwang iskor.

DISCUSSIONS

Batay sa pag-aaral, dapat ipagpatuloy ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa bawat paksa ng aralin upang lubos ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda, nararapat din naman ipagpatuloy ang paggamit ng wikang Ingles subalit ito ay magiging pangalawang wika lamang.

Published

2019-01-18