Ang Paggamit ng Graphic Organizer sa Pagtuturo ng Maikling Kwento sa mga Piling Mag-aaral ng Baitang 7 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Talipan

Authors

  • Roselyn Acesor

Keywords:

graphic organizer, maikling kwento

Abstract

INTRODUCTION

Nilayon ng pag-aaral na ito na alamin kung gaano epektibo ng paggamit ng graphic organizer sa pagtuturo ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng baitang 7 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Talipan. Nilayon din nito na alamin ang antas ng pagkatuto sa maikling kwento ng kontrolado at eksperimentong grupo bago at pagkatapos ng eksperimento.

METHODS

Eksperimentong pamamaraan ang ginamit upang tukuyin ang mga kasagutan sa aksyon riserts na ito. Upang tukuyin ang tagatugon sa pag-aaral, purposive sampling technique ang ginamit ng mananaliksik kung saan may kontrolado at eksperimentong grupo para sa ginawang eksperimento. Upang matukoy ang mga datos sa ginawang pag-aaral, ang pormulang ginamit ay ang mga sumusunod: percentage rating, mean score, t-test for dependent at independent samples.

RESULTS

Napatunayan sa ginawang pag-aaral na may pagtaas sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa maikling kwento gamit ang tradisyunal na pamamaraan ng pagkatuturo. May pagtaas din sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang graphic organizer sa pagtuturo ng maikling kwento. Gayundin, napatunayan na epektibo ang paggamit ng tradisyunal at graphic organizer sa pagtuturo ng maikling kwento sa mga mag-aaral sa baitang 7.

DISCUSSIONS

Higit na nagpakita ng pagkaepektibo ang paggamit ng graphic organizer sa pagtuturo mula sa mga datos na nakuha. Dahil dito, mas epektibo ang paggamit ng graphic organizer kaysa sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo sa maikling kwento. Nagpapakita ang pag-aaral na ito na ang paggamit ng graphic organizer sa pagtuturo ng maikling kwento ay epektibo sa pagpapataas ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa baitang 7 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talipan.

Published

2019-01-18