Ang Epekto Ng Paggamit Ng Programang ABAKADAPA Sa Antas Ng Pag-Unawa Sa Pagbasa Ng Mga Mag-Aaral Sa Ikapitong Baitang Pangkat Acacia Ng Pambansang Mataas Na Paaralan Ng Dagatan Dolores, Quezon Sa Panu

Authors

  • Christian-Raymond Herrera

Keywords:

ABAKADAPA, PHIL IRI, HOTS

Abstract

INTRODUCTION

Maituturing na bahagi na ng pang-araw-araw na gawain ang pagbasa. Isa sa kapangyarihang naihahatid ng pagbasa ang pagkakaroon ng karunungan tungkol sa iba't ibang bagay. Isa rin sa kapangyarihan ng pagbasa ang maipadama ang emosyong nakapaloob sa akda na nakapupukaw sa damdamin. Kaakibat ng gawaing ito ang pag-unawa, ang kakayahan na magbigay ng kahulugan at interpretasyon sa binasa. Ang malalim at maayos na pagkakaunawa sa binasa ang maituturing na epektibong pagbabasa. Kaya binigyang-diin ng mga mananaliksik ang pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral sapagkat ang pagbasa nang may pag-unawa ang pangunahing kasanayang dapat matutunan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Kaya layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng programang ABAKADAPA upang mapataas ang antas ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa gamit ang mga akdang pampanitikan ng bansang Pilipinas.

METHODS

Disenyong Palarawan ang ginamit na pamamaraan sa isinagawang pag-aaral kung saan kinapalooban ng pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan, pagsusuri at paghahambing gayundin ang obserbasyon mula sa resulta at tala ng kinalabasan ng pagsusulit at pagtataya. Pinili ang pangkat Acacia sa ikapitong baitang na bigyan ng mga seleksyon para basahin at sagutan ang mga katanungan upang mapaunlad ang kanilang kasanayan. Ang pagbuo ng programa at pamamaraan ay basehan sa pagpapataas ng antas ng pag-unawa sa pagbasa. At dahil dito, naging batayan ng mga guro sa Filipino ang nilalaman ng programang ABAKADAPA sa pagtuturo ng pagbasa.

RESULTS

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ay mabisa ang implementasyon ng programang ABAKADAPA. Patunay dito ang makabuluhang pagbabago sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Nabatid na may malaking pag-unlad sa resulta ng lebel ng pag-unawa sa pagbasa mula sa 15.68 bahagdan ng Independent hanggang 87.75. Sa pamamagitan ng iba't ibang gawain sa pagbasa, may malaking pag-unlad sa antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral.

DISCUSSIONS

Ang papel na ito ay naglalayong masuri ang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. Sinuri ng mga mananaliksik ang epekto ng paggamit ng programang ito at batay sa resulta ng isinagawa ay nagkaroon ng makabuluhang pagbabago sa antas ng kasanayan sa pagbasa ang nasabing mga mag-aaral. Ang resulta nito ay maaaring ipadala sa Department of Education upang sa ganoon ay magsilbing basehan para magkaroon pa ng mga programang makatutulong sa mga guro sa kanilang pagtuturo at gayun din sa mga mag-aaral upang mapataas ang antas o lebel ng kanilang pagkatuto.

Published

2019-01-18