Isang Pagsusuri sa Paggamit ng mga Millennial Slang ng mga Mag-aaral mula sa Ikapitong Baitang ng St. Mary's College of Meycauayan sa Taong-Panuruan 2017-2018

Authors

  • Axell John C. Costales
  • John Matthew D. Dela Cruz
  • Jayven Adrian V. Gomonit
  • Mark Joel SD. Laus
  • Jomari H. Samonte
  • Alexinne Yvonne Therese DC. Agsaoay
  • Leah Marie R. Barruel
  • Juri P. Rubiano
  • Alliah Marie L. Zabal

Keywords:

millenial slang, wika, dinamiko, mapagbago, pakikipagtalastasan

Abstract

Ang wika ay dinamiko, kaya't ito'y mapagbago lalu na sa panahon ng elektroniko, teknolohiya at modernisasyon. Dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa mundong pakikipagtalastasan, iba't ibang anyong salita ang nabubuo at napayayabong ng kabataan, ika nga-mga Millennial. Kung pagbabatayan ang panahon sa kasalukuyan, makikita ang pagiging bukas, mulat at malikhain ng mga salitang nauuso ngayon. Sa dahilang ito, sinikap ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol sa paggamit ng mga ganitong salita na tinaguriang Millennial Slang upang matukoy ang lawak at impluwensya nito sa paraan ng pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang ng St. Mary's College of Meycauayan. Ginamit ang metodong deskriptib-analitik upang masuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng pagsasarbey at paglalapat ng interpretasyon sa tatlumpu't limang respondente. Tinuos ang bilang ng mga kalahok sa pamamagitan ng Slovin's Formula. Na pag-alaman ng mga mananaliksik na bunsod ng Social Media, naiimpluwesyahan ang mga mag-aaral na gumamit ng ganitong salita. Nagiging madalas ang paggamit nila rito lalo na sa mga taong malalapit sa kanila upang maging makwela ang pakikipagtalastasan. Ang pagtalima sa nakagisnang wika at pagiging malikhain sa paggamit nito ay marapat isaalang-alang upang mas mapagtibay pa ang pagpapaunlad sa ating wika.

Published

2017-12-18