Assessment of Grammatical Competence: Basis on the Construction of Teaching Tools in Filipino

Authors

  • Melanie Ayson

Keywords:

modyul, kasanayang gramatikal, pagtataya

Abstract

Introduction

Ang kakulangan ng pundasyon sa gramatikal ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang ang naging batayan ng mananaliksik upang simulan ang pag-aaral na ito. Layon ng pag-aaral na ito na maghanda ng modyul na tutugon sa kahinaan ng mga naturang mag-aaral sa Angeles City National High School.

 

Methods

Dahil dito, naghanda ang mananaliksik ng modyul na magpapaunlad at magpapalawak sa kasanayang gramatikal ng mga respondente. Gumamit ng Wilcoxon Signed Rank Test sa pagproseso at pag-interpret ng mga datos. Natukoy ang kasanayang gramatikal ng mga mag-aaral gamit ang paraang deskriptibo-analitiko na makatutulong nang malaki sa mga mag-aaral, guro o kapwa guro, at maging sa ibang mananaliksik.

 

Results

Gayunpaman, kung paghahambingin ang resulta ng pre at post test, mas marami pa ring kompitensi ang natukoy na hindi tanggapin ang HO na nangangahulugang may pagbabago sa kasanayang gramatikal ng mga mag-aaral sa kanilang pre at post test.

 

Discussions

Natuklasan sa naturang pag-aaral na mas marami ang mga kompitensing nahihirapan ang mga mag-aaral batay sa sarbey na isinagawa ng mananaliksik sa tatlong bihasang guro sa Filipino. Samantala, ang interpretasyo ng mga nakuhang marka mula sa pre at post test ay failed o bumagsak pa rin ang mga mag-aaral sa mga kompitesing kumplemento/pokus ng pandiwa,kaantasan ng pang-uri, uri ng pangungusap, panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap, paggamit ng mga kataga o ingklitik, at pangungusap na walang paksa.

Published

2019-12-18