Sipat-Suri sa Flipped Learning gamit ang Learning Management System bilang isang Student-Centered Learning Approach

Authors

  • Allan A. Ortiz

Keywords:

flipped learning, student-learning approach

Abstract

Ang flipped classroom ay kabaligtaran sa tradisyunan na pagtuturo kung saan ang mga mag-aaral ay natututo ng bagong konsepto sa pamamagitan ng panonood ng video o pagbabasa ng mga artikulo sa tahanan. Maaaring sinasagawa ng guro na ang isang flipped classroom subalit hindi ang flipped learning. Marami pang hindi lubos ang pagkaunawa sa dalawang konseptong ito. Hangad ng pag-aaral na ito na sipatin at suriin ang flipped learning ng mga ikawalong baitang sa asignaturang Filipino sa mga klase ni G. Allan A. Ortiz. Ang pananaliksik ay gumamit ng quantitative at qualitative data sa pagsusuri sa paggamit ng flipped learning sa mga mag-aaral gamit ang estratehiyang student-centered na pagdulog batay sa epekto nito sa mag-aaral sa paglalaan nila ng panahon sa pag-aaral at kabuoang pagtatanghal nila sa asignaturang Filipino. Isinagawa niya ito sa apat na klase na may 101 na mag-aaral upang nailapat ang student-centered learning approach na tunutugon sa konseptong ito ng pananaliksik. Ang mga datos ay kinuha mula sa modyul na ginamit sa aralin sa ikalawa at ikatlong termino upang suriin ang kaibahan ng resulta nito kung saan ito inilapat. Gumamit ang mananaliksik ng purposive sampling sapre-at post sarbey mula sa 101 na bilang ng mga mag-aaral sa apat na klase sa Filipino ng guro/mananaliksik. Ito ay inilagay sa LMS na kailangan nilang tugunin. May kabuoang mean na 24.408 ng modyul sa ikalawang termino ay 33.968 ng modyul sa ikatlong termino ng apat na pangkat sa ikawalong taon. Malinaw na malaki ang itinaas ng resulta mula sa ikalawang termino at ikatlong termino. Batay sa mga talang obserbasyon ng mananaliksik ay may mga salik na nakaaapekto sa resulta gaya ng oras na itinalaga sa pagsagot, suliraning nakahaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng LMS, pakikibahagi sa pangkatang talakayan,. Bukod dito, ang kasanayan ng mga mag-aaral o pagtangap sa ganitong gawain gaya ng modyul na inilaan sa flipped learning ay hindi pa alam o tanggap ng mga mag-aaral dahil sa mga tugon ng mga respondents sa sarbey. Hindi pa rin maitatanggi na hindi ganap na natatanggap ng mga mag-aaral ang ganitong uri ng estratehiya sa pagtuturo batay na rin sa tugon sa sarbey na isinagawa. Ang ganitong sitwasyon ay may kinalaman sa pagtanggap ng mga mag-aaral at sa kultura ng paaralang nagsasagawa ng ganitong gawain. Ayon kay Ortiz, (2017), ang malinaw na pagtalakay ng mga guro sa kahalagahan ng paggamit at pamamaraan ng LMS sa pagkatuto sa tulong ng administrasyon ng paaralan at eksperto sa IT ay nakatutulong upang tanggapin ito ng mga mag-aaral. Makatutulong ito upang makamit ang kulturang hinahangad sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa sistema. Ang facilitator ay isang salik na nakaapekto upang tangapin ang flipped learning approach kung saan ang masigasig na pagpapaliwanag at paulit-ulit na pagpapaalala ng mananaliksik sa mga mag-aaral ang nakatulong sa mga mag-aaral upang sagutin ang modyul sa ikatlong termino na nakatulong upang mabilis nilang gawin ang gawain.

Published

2018-12-18