Paksang Interes sa Pagbuo ng Maikling Kuwento ng mga Mag-Aaral sa Ikalabing-Isang Baytang ng Alabat Island National High School Alabat, Quezon Taong Panuruan 2016-2017

Authors

  • Norielyn Magbayao

Keywords:

Interes

Abstract

Introduction

Ang pagtuklas ng kakayahan ng bawat mag-aaral partikular sa kanilang reproduktibong imahinasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng isang katha ay nagpapatibay ng saloobin ng bawat indibidwal na maipamalas ang kanilang kahusayan sa pagsulat. Nakapagpahaba ng interes ng mambabasa ang mga sulating pampanitikan. Ang pananaliksik na ito ay susukat at suriin ang pangunahing paksang interes sa pagsulat ng isang maikling kwento, magiging mainam itong batayan upang masuri ang kanilang kakayahan na mag-ambag ng produktibong imahinasyon sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga darating pang panahon.

 

Methods

Ang pananaliksik na ito ay idinisenyo sa Descriptive-Quantitative Research . Gumamit ng limang puntusang (5pt) Likert Scale. Ang napiling tagatugon para sa pananaliksik ay ang mga piling mag-aaral sa ALABAT ISLAND NATIONAL HIGH SCHOOL, na mula ika-11 baytang, Sa bawat pangkat o seleksyon pipili ang mananaliksik ng limang mag-aaral na kung saan may kabuuang apatnapu’t lima (45). Sa page-aaral na ito ang PERCENTAGE FORMULA, WEIGHTED MEAN FORMULA at Analysis of Variance o ANOVA

 

Results

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik ang mga tagatugon ay may kabuuang 44 kung saan binubuo ng 22.73% at 77.27% na mga lalaki. Batay naman sa edad, 97.73% ng mga tagasagot ay 15-17. Pinakamarami sa napiling paksang interes ng mga tagatugon ay ang kwentong pag-ibig ang sumulat na may bilang na 11 o kabuuang 25% ng mga mag-aaral at sa mga guro pinakamarami ang nagsabi na “mayaman sa ipinakitang kaalaman sa paksang napili na higit pa sa inaasahang husay ng guro”

 

Discussions

Batay sa resulta karamihan sa mga tagatugon ay may edad na15 –17 taong gulang at mga babae at ang napiling uri ng maikling kuwento ng mga tagatugon ay ang kwentong katatawanan. Ang ginawang maikling kuwento ng mga mag-aaral ay mayaman sa ipinakitang kaalaman sa paksang napili na higit pa sa inaasahang husay ng guro, mayaman sa bokabularyong Filipino mula sa talasalitaan, lubos na maayos ang pagkakahanay ng mga pangyayari sa maikling kwento na may di karaniwang ayos at pagbabalik tanaw, lubos na nagpakita ng pagkamalikhaing kaiisipan” ayonsa pagkamalikhain, at lubos na nagpamalas husay at galing sa pagpili ng salitang gagamitin sa bawat pangngusap. Walang kinalaman sa pagsulat ng Maikling Kuwento ang edad at kasarian sa galing at husay ng pagsusulat.

Published

2019-12-18