Estratehiyang Pag-agapay ng mga Balo/Bao sa Bayan ng Heneral Mariano Alvarez, Cavite: Isang Batayan ng Programang Preventive Intervention at Perspektibong Komunikasyon
Keywords:
balo, Bao, komunikasyonAbstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga estratehiyang pag-agapay na ginagamit ng mga balo/bao sa bayan Heneral Mariano Alvarez, Cavite. Naglalayon din itong alamin kung mayroong pagkakatulad o pagkakaiba ang mga Sikolohikal na Pag-aayos batay sa kasarian. Nais din ng pag-aaral na ito na sukatin ang antas ng mga Sikolohikal na Pag-aayos at Estratehiyang Pag-agapay ng mga balo/bao at alamin kung mayroong significant relationship ang mga Sikolohikal na Pag-aayos sa mga baryabol tulad ng edad, kasarian, edukasyong natamo, at tagal ng panahon ng pagkabalo/pagkabao. Ipinalagay ng mga mananaliksik na madalas gagamitin ng mga kalahok sa pag-aaral na ito ang mga Sikolohikal na Pag-aayos gayundin ang pagkakaroon ng pagkakatulad at pagkakaibang mga ito batay sa kasarian. Madalas ding gagamitin ng mga kalahok ang mga Estratehiyang Pag-agapay na Pokus sa Suliranin at Emosyon. Bilang panghuli, magkakaroon ng significant relationship ang mga Sikolohikal na Pag-aayos sa mga baryabol. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Descriptive Research Design upang matukoy ang mga estratehiyang pag-agapay ng mga balo/bao. Purposive sampling ang ginamit ng mga mananaliksik upang makuha ang 200 daang bilang na target na populasyon na manggagaling sa 27 baranggay. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan na binuong mga mananaliksik. Upang matukoy ang mga Sikolohikal na Pag-aayos, ginamit ng mga mananaliksik ang Three Point Scale bilang instrument ng pananaliksik. Samantala, Five Item Likert Scale ang ginamit upang matukoy ang mga Estratehiyang Pag-agapay ng mga balo/bao. Ang mga datos ay personal na nakalap ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng paggamit ng talatanungan upang mailahad ng mga kalahok ang kanilang saloobin at kumpletong detalyeng kanilang karanasan. Gumamit ng frequency at percentage upang alamin ang demograpiya ng mga respondente, weighted mean upang masukat ang antas ng mga Sikolohikal na Pag-aayos at Estratehiyang Pag-agapay. Chi square naman upang matukoy kung mayroong significant relationship ang mga Sikolohikal na Pag-aayos sa mga baryabol. Karamihan sa respondent ng pag-aaral ay mga babae na kabilang sa braket na 62-70 taonggulang. Batay sa mga nakalap na resulta, Madalas na ginagamit ng mga kalahok ang mga Sikolohikal na Pag-aayos sa Kalagayang Sosyal, Pisikal, Emosyunal, Pinansyal at Espirituwal. Samantala, mayroong pagkakatulad at pagkakaiba ang mga Sikolohikal na Pag-aayos batay sa kasarian. Madalas ding gamitin ng mga balo/bao ang mga Estratehiyang Pag-agapay na Pokus sa Suliranin at Emosyon. Samantala, ang mga Sikolohikal na Pag-aayos ay may significant relationship sa mga baryabol tulad ng edad, kasarian, edukasyong natamo at tagal ng panahon ng pagkabalo/pagkabao. Madalas na gamitin ng mga balo/bao ang mga Sikolohikal na Pag-aayos at Estratehiyang Pag-agapay. Mayroong pagkakatulad at pagkakaiba ang Sikolohikal na Pag-aayos batay sa kasarian gayundin ang pagkakaroon ng significant relationship ng Sikolohikal na Pag-aayos sa mga baryabol. Mula sa mga nakalap na mga resulta, makabubuo ang mga mananaliksik ng batayang programang preventive intervention at perspektibong komunikasyon.