Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa saFilipino ng mga Mag-aaral sa Corazon C. Aquino High School
Keywords:
komprehensyon sa pagbasa, dimensyon ng pagbasa, antas ng pagbasaAbstract
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng komprehensyon sa pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral sa Corazon C. Aquino High School (Region III) baitang 10, taong panuruan 2016-2017.Tutukuyin ang profayl ng mga mag-aaral batay sa wikang karaniwang ginagamit sa bahay, pinakamataas na natapos ng magulang sa pag-aaral, pinal na grado sa asignaturang Filipino, uri ng babasahin sabahay, at eksposyur sa media. Gayundin, magkakaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral upang matukoy ang kanilang antas ng komprehensyon sa bawat dimensyon ng pagbasa at ang kanilang kabuuang antas. Sa pamamagitan ng Frequency at Percentage, matutukoy at mailalarawan ang profayl ng mga mag-aaral at ang kanilang kabuuang antas ng komprehensyon at antas sa bawat dimensyon ng pagbasa. Sa pamamagitan ng Spearman at Cramer’s V, malalaman ang makabuluhang kaugnayan ng antas sa komprehensyon sa pagbasa batay sa kanilang profayl. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan sa pagbibigay mungkahi at interbensyon sa pagtamo ng mataas na antas ng komprehensyon sa pagbasa ngFilipino.