Buklet Pampagtuturo sa Filipino Grado 7 sa Dibisyon ng Lungsod ng Batangas

Authors

  • Diona Gualter

Keywords:

buklet pampagtuturo, mean percentage score, paglinang ng kakayahan, dibisyon ng Lungsod Batangas, deskripstiv-ebaluwatib

Abstract

Sa pagtatamo ng magandang kinabukasan,mahalaga ang edukasyon. Kaugnay nito, maraming programa ang pamahalaang nasyonal na tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Isa na rito ay paglikha ng mga kurikulum na angkop sa pagbabago ng antas ng pamumuhay. Ngunit sa kasalukuyan, marami pa ring mag-aaral ang may kakulangan sa pag-unawa at kaalaman sa Filipino. Patunay nito ay ang resulta ng pagganap sa Filipino Grado 7 sa dibisyon ng Lungsod ng Batangas batay sa isinagawang 2018 National Achievement Test. Pumukaw sa interes ng mananaliksik ang pagdebelop ng mga kagamitang panturo o buklet sa Filipino na tutugon sa bagong kurikulum na K to 12.Gumamit ng deskripstiv-ebaluwatib upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kasanayan sa Filipino Grado 7.Kabilang sa pag-aaral na ito ang 30 gurong nagtuturo ng Filipino sa Grado 7 sa 18 pampublikong paaralang Sekundarya sa Dibisyon ng Lungsod ng Batangas.Ang nabuong buklet ng pagsasanay ay inihanda ng mananaliksik upang mapataas ang kalidad ng edukayon sa bagong kurikulum na K to 12. Ginawang batayan sa paghahandang buklet ang Dibisyon ng Batangas City Memorandum Blg. 07-84 na naglalayong makalikha ng mga kagamitang pampagtuturo para sa asignaturang Filipino na magpapatibay ng kurikulum sa ilalim ng konseptong lokalisasyon at indiginisasyon. Ito ay bilang pagsasakatuparan sa mga itinalaga ng DepEd Order No.73 s.2012 na pinamagatang Standard-Based Assessment and Rating System.Magsilbing karagdagang gawain sa tahanan sa mga hindi inaasahang pagkakataong pagliban sa klase ng mga mag-aaral o ang tinatawag na Home Study Program at Remedial Classes. Dahil dito, naniniwala ang mananaliksik na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayonat sa susunod pang henerasyon. Ang mga pagsasanay na nabuo sa buklet ay nakaugnay samga layuning nais ipatuto ng guro sa bagong kurikulum. Ang mga kaalamang kanilang matatamo sa paggamit ng buklet na ito ay inaasahang magiging instrumento sa lalo pang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon na siyang pangunahing layunin ng K to 12 kurikulum.Bawat aralin ay naglalaman ng mga pagsasanay na lilinang sa mga kompetensi na itinakda ng bagong kurikulum K to 12.Angkop na gamitin sa pag-aaral ang buklet pampagtuturo dahil malaki ang tulong nito sa pagtuturo ng Filipino sa Grado 7. Ang mga aralin aynaipresenta ng mananaliksik ay angkop sa mga makabagong mag aaral sa kasalukuyan.

Published

2019-12-18