Mga Pananaw sa mga Suliranin sa Pamamaraan ng Pagsasalin: Isang Pagsisiyasat

Authors

  • Alfred Sedaria

Keywords:

gramatika, literal, mensahe, pagsasalin, simulaang lenggwahe, teknikal, tunguhang lenggwahe

Abstract

Ang mga pananaw sa maling pamamaraan sa pagsasalin na nagsisilbing suliranin ng pag-aaral na ito ay mabibigyang-solusyon kung mabibigyang-tuon ang konteksto maging ang gramatika nito. Sa pamamagitan nito ay maihahayag ang mga mahahalagang sangkapsa ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral sa wasto at napapanahong pagsasalin.Deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na iti sapagkat gumamit ng mga talatanungan (survey questionnaire) upang makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na magiging angkop ang disenyong nabanggit sapagkat mas mapadadali nito ang pangangalap ng datos tungkol sa mga pananaw sa maling pamamaraan sa pagsasalin ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon mula sa mga nabanggit na pamantasan.Matapos matipon at masuri ang mga datos, natuklasan sa pag-aaral ang mga sumusunod: Ang nakuhang composite mean na 3.496 para sa pananaw ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon na kumukuha ng medyor na Filipino, ito ay may interpretasyong lubos na sumasang-ayon. Ang mga pananaw na inilahad ay lubos sa sinasang-ayunan ng mga kalahok. Batay naman sa nakuhang composite mean na 3.777 at interpretasyong lubos na sumasang-ayon, ang persepsyon ng mga kalahok tungkol sa mga inilahad na maling pamamaraan ng pagsasagawa ng pagsasalin ay mali o hindi tamang gawain sa pagsasagawa ng pagsasalin. Sa mga suliranin naman ng mga piling mag-aaral sa gawaing pampagsasalin, ang nakuhang composite mean ay 3.607 at may interpretasyong lubos na sumasang-ayon. Ang mga suliranin sa pagsasalin na inilahad ay kinahaharap ng mga kalahok. Samantala, batay sa kaugnayan ng profayl ng mga piling mag-aaral sa gawaing pampagsasalin, natuklasang walang makabuluhang kaugnayan ang edad at kasarian ng mga kalahok sa mga suliranin sa gawaing pampagsasalin.Batay naman sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mananaliksik ay nakabuo ng konklusyon na ang mga suliranin na kinahaharap sa gawaing pampagsasalin na sinang-ayunan ng mga kalahok ay magsisilbing gabay sa pagsasalin upang mapaunlad pa ang kaalaman sa gawaing pampagsasalin at walang makabuluhang kaugnayan ang profayl ng mga kalahok sa mga suliraning kinahaharap sa gawaing pampagsasalin. Bilang mungkahi sa mga nakitang suliranin ang mga guro at mananaliksik ay nangangailangang magbigay ng kauukulang pansin ang mga malingpamamaraan sa gawaing pampagsasalin na nagiging suliranin ng mga mag-aaral sa pagsasalin.

Published

2019-12-18