HINABING SALITA SA NAKARAAN: ISANG PAGSUSURI SA PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA BAITANG 7 AT 8 NG ST. MARY’S COLLEGE INC. QUEZON CITY SA EPEKTO NG PAGGAMIT NG PAMBANSANG WIKA SA PAGTUTURO NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS SA ARALING PANLIPUNAN
Keywords:
wikang filipino, pagtuturo ng kasaysayan, araling panlipunanAbstract
Pinag-aaralan ng pananaliksik na ito ang pananaw ng piling mag-aaral sa Baitang 7 at 8 ng St. Mary’s College, Inc. sa Quezon City hinggil sa epekto ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan. Layunin nitong tukuyin kung paano nakaaapekto ang wikang Filipino sa pag-unawa, kultural na pagkakakilanlan, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral. Sinusuri rin ng pag-aaral ang epekto nito sa kanilang pakikipag-ugnayan, kritikal na pag-iisip, at pagkamakabansa kaugnay ng pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas. Penomenolohikal na kwalitatibong pamamaraan - St. Mary's College Inc. Quezon City - Purposive Sampling: (1) Maging kasalukuyang mag-aaral ng Baitang 7 o Baitang 8 sa St. Mary’s College Inc. Quezon City na nanggaling mula sa mga cream section ng baiting nila sa panahon ng pagsasagawa ng pananaliksik, (2) May sapat na kaalaman sa mga konseptong pangkasaysayan na tinatalakay sa asignaturang Araling Panlipunan, at (3) May kakayahang ipahayag ang kanilang mga karanasan at pananaw sa Wikang Filipino nang malinaw at detalyado. - Semi-structured interview - Thematic Analysis Batay sa mga nakalap na datos, lumitaw na ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan ay nagdudulot ng mas malalim na pag-unawa sa mga aralin, nagpapalakas ng pambansang identidad, at nagpapadali ng pagpapahayag ng mga ideya ng mga mag-aaral. Gayunpaman, may ilan ding hamon, tulad ng hirap sa pag-unawa ng mas malalalim na terminong Filipino para sa ilang mag-aaral na mas bihasa sa Ingles. Tema 1: Kasanayan at Pananaw sa Wika Tema 2: Epekto ng Wika sa Pagkatuto Tema 3: Epekto ng Wika sa Kultura at Pagkamakabansa. Ipinakita ng pag-aaral na mas epektibo ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan dahil mas pamilyar ito sa mga mag-aaral, kaya't mas nauunawaan nila ang mga aralin at mas naiuugnay ito sa kanilang kultura at identidad. Pinapalakas nito ang kanilang pakikilahok sa klase at pagpapahalaga sa pambansang kasaysayan, bagaman may ilan na mas komportable sa Ingles. Upang mapabuti ang pagtuturo, inirerekomenda ang pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral, paggamit ng makabagong estratehiya ng mga guro, at pagsuporta ng paaralan sa mga kagamitang panturo. Mahalaga rin ang papel ng pamahalaan sa pagpapalakas ng paggamit ng Filipino sa edukasyon sa pamamagitan ng mga programa at pagsasalin ng mahahalagang babasahin. Hinihikayat ang mas malalim na pananaliksik upang higit pang mapahusay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang asignatura at mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.