SanaAll: Perspectives, Reasons, and Sentiments of Staying in SMCQC of Selected Students in Grades 7 and 11, Academic Year 2021-2022: A Qualitative Research

Authors

  • Juan Lucas Antonio Buenaflor St. Mary's College Quezon City
  • Ryan Arnold G. Gerardino St. Mary's College Quezon City
  • Lorenzo Ma. Noel D. Poresores St. Mary's College Quezon City
  • Paolo Justin Sison St. Mary's College Quezon City

Keywords:

K to 12 Curriculum, penomenolohiyang, marketing and promotion, Saklaw

Abstract

Ang batas ng pamahalaan na K to 12 Curriculum ay kung saan nagkaroon ng ika labing-isa at labing-dalawa na baitang sa buong institusyong pang-edukasyon na tinatawag na Senior High School. Saklaw ng batas na ito ang pampubliko at pribadong paaralan na naglalayong mabihasa pa ang mag-aaral at naglalayong makasabay sa curriculum na base sa international standards. Ang St. Mary’s College, Quezon City ay isa sa mga pribadong institusyon na sumunod sa pagsasagawa ng K to 12 Curriculum. Dahil sa kurikulum na ito ang mga estudyante na nakapagtapos ng JHS ay mamimili sa academic track tulad ng STEM, ABM, HumSS, at GAS na syang napagdesisyunan ng paaralan na syang maging strand ng mga mag-aaral sa SHS.Ang disenyo ng isinagawang pananaliksik ay sa paggamit ng penomenolohiyang uri ng pananaliksik na kung saan  pinagtuunan at pinag-aaralan ang mga karanasan, salik, at pananaw ng mga mag-aaral at magulang ukol sa pagpili at pagdesisyon ng mananatili ng kanilang mga anak na nag-aaral sa SMCQC. Naglalayong maanalisa at makita ang kanilang pananaw na nakakaapekto sa mga desisyon ng mga tagatugon sa pananatili sa nasabing institusyon. Ang layunin ng mga mananaliksik ay makahanap ng malinaw na kasagutan kung bakit mas magandang manatili sa nasabing institusyon.

Pamantayan na ang mga mag-aaral na napiling pagtuunan ng pananaliksik ay ang mga nasa ika-11 baitang na kasalukuyang nag-aaral sa St. Mary’s College, Quezon City sa pununurang taon 2021-2022. Sila ang napiling tagatugon sa kadahilanang sila ang maaring makinabang sa kinalabasan ng pananaliksik at ang kanilang mga kasagutan ay maaring maiparating o maipahiwatig sa susunod na panuruang taon.Batay sa natapos na panayam, ang kalidad ng edukasyon sa SMCQC ang pangunahing dahilan kung bakit nanatali ang mag-aaral at naniniwala ang ibang respondante na praktikal ang desisyon manatili sa SMCQC. Dagdag pa rito, maganda ang kasalukuyang kalagayan ng mga mag-aaral sa kadahilanan na mas nalilinang ang kanilang kakahayang gumamit ng makabagong teknolohiya at naging saksi sa mga magaganda at makabuluhang programa ng SMCQC.Sa nakalap na datos ng mga mananaliksik, naipaliwanag ang mga pananaw, dahilan, at saloobin ng pananatili sa SMCQC ng ilang piling mag-aaral. Bilang karagdagan, nabigyang pansin ang kalagayan ng mga tagatugon at ang mga rekomendasyon nito upang mas makahikayat pa ng mga mag-aaral at magulang manatili sa SMCQC.

Published

2023-06-10