WiFi Connected! (Connected through the Filipino Language): The Causes and Effects of the Utilization of the Filipino Language in Social Media of Selected Grade 11 Students from St. Mary’s College, Quezon City, School Year 2021-2022: A Qualitative Study
Keywords:
Wikang Filipino, Wikang Ingles, Makabagong Panahon, Pakikipag-ugnayanAbstract
Simula noong magkaroon ng pandemya, ang paggamit ng hatirang ay naging laganap. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, nagkakaroon ang mga tao ng kalayaan at kaalaman dahil sa aktibong paggamit nito. Ang wika ay nakatulong sa komunikasyon upang mapagbuklod at mahikayat ang mga tao upang makapagpahayag ng damdamin at maipakita ang pagiging malikhain. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maisisiwalat ang mga dahilan kung bakit ginagamit o hindi ginagamit ang wikang Filipino ng netizens, partikular ang kabataan, tuwing nagpapaskil o nakikipagtalastasan gamit ang hatirang pangmadla.Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa paggamit ng kwalitatibong pamamaraan. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng purposive sampling sapagkat nakabatay ang pagpili ng mga tagatugon sa mga pamantayan ng mga mananaliksik. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng paggamit ng Microsoft Teams Video Conferencing at Microsoft Forms. Ang mga mananaliksik ay nagbigay paalala gamit ang consent forms na ang mga nakalap na impormasyon mula sa mga tagatugon ay para lamang sa naging kabuoan ng pananaliksik. Panghuli, walang anumang bias ang naganap sa pagkalap ng mga datos at impormasyon sa gawaing pananaliksik na ito.Mula sa mga datos na nakalap, nahahati sa wikang Ingles at wikang Taglish ang nakitang wika na nakapaskil sa mga hatirang pangmadla ng mga tumugon. Karamihan sa mga tumugon ay kadalasang gumagamit ng wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino. Ayon sa mga tumugon, ang pangunahing dahilan kung bakit nila ginagamit ang wikang Filipino ay dahil sa kasanayan, pagiging komportable sa wikang ito, paggamit ng madla at kausap, at pakiramdam ng pagiging Pilipino. Sa kabilang banda, ang hindi pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino at pag-unawa nito ang karaniwang dahilan ng hindi paggamit ng mga tagatugon ng wikang Filipino sa ang hatirang pangmadla.Ang mga datos mula sa mga tagatugon ay nagpapakita ng hati ng opinyon sa paggamit ng wikang Filipino sa hatirang pangmadla. Ang paggamit ng alinmang wika ay nakadepende sa sitwasyon na kinabibilangan nito at ang mga salik na nakakaapekto sa kung anong wika ang gagamitin ng tagatugon na maaaring personal o epekto ng kapaligiran na kanyang kinabibilangan.