Esteriotipong Identidad, Personalidad, at Imaheng Inilalarawan Sa Mga Ginagampang Papel Ng Mga Tauhan Sa Nobelang "Fifty Shades of Grey", Isang Kritikal Na Pagsusuri Sa Erotikang Katha

Authors

  • Theresa Robledo

Keywords:

Filipino Balyus Fifty Shades of Grey Personalidad Pagtuturo

Abstract

INTRODUCTION

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng suliranin at kaligiran. Kasama dito ang konseptong teyoretikal at konseptwal, mga suliraning bibigyang kalutasan, mga limitasyon ng pag-aarl, mga kapakinabangan, at ang pagbibigay kahulugan sa mga salitang ginamit na binigyang kahulugan upang lubusang maunawaan ang pag-aaral na ito.

 

METHODS

Ang disenyo ng pananaliksik ay pinagsamang "Descriptive at Qualitative", kung saan tatangkain ng mananaliksik na pag-aralan at suriin ang kasalukuyang damdamin, kaisipan at pananaw ng mga respondente na nakatuon sa pagsusuri ng mga esteriotipong identidad, personalidad at imahe ng mga tauhan na inilalarawan sa erotikong-kathang-nobelang Fifty Shades of Grey.

 

RESULTS

Ang mga kabisaan ng katha sa isip ay ang paglinang ng kamalayan ukol sa mga esteriotipong identidad, personalidad, at imahe na isinasalarawan ng katha at mabatid ang epekto nito sa kamalayan. Ang bisa sa damdamin ay nagsasaad ng sari-saring emosyon at damdamin angnapukaw sa kanila bilang mambabasa katulad ng pagkakaroon ng malawak na imahinasyon upang mas lalong maging kaaliw-aliw itong basahin at hindi nakakasawa. At ang bisa sa kaasalan ay ang balyus na dapat palakasain sa tingin ng mga tagatugon ay ang pagpapahalaga ng tao sa gawaing erotiko o seksuwal, dapat na ang tao ay hindi limitado sa kung anong mga paraan na dapat gawin at walang polisiya, patakaran o kasunduang sinusunod.

 

DISCUSSIONS

Ang implikasyon ng katha ay ang karahasan sa kababaihan at pagkontrolsa seksuwal o erotikong manipestasyon ng relasyon. Ang pag-iral ng sadism at masokismo sa kulturang popular ay nabatid din.

Published

2019-01-18