Kondisyunal NaPaglipat Ng Pera: "Isang Pagtatasa Sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4p's) Pamumuhunan Ng Kapital Ng Tao Tungo Sa Pagpapagaan Ng Kahirapan

Authors

  • Ma. Jhonina D. Mataro
  • Ricky C. Cahilig

Keywords:

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Abstract

INTRODUCTION

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging basehan ng pamahalaan particular sa bayan ng Pililla sa epektibong pagpapatupad nito batay sa laki at lawak ng epekto nito sa kalusugan, pag-aaral at pakikilahok sa sesyon ng pag-unlad ng pamilyang Pilipino.

 

METHODS

Ang pananaliksik na ito ay isang imbestigasyong deskriptibo (Silva, 2013). Ito ay idinisenyo ng mananaliksik upang mailarawan ang kalagayang pangkasalukuyan. Ang pag-aaral na ito ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagaganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarang nilinang. Ang disenyong ito ay lumalapat sa pangunahing layunin ng pag-aaral na alamin ang antas ng kamalayan ng mga tagatugon sa mga benepisyo sa epektong idinudulot ng programa.

 

RESULTS

Karamihan sa mga respondente ay babae na may edad na 41 pataas at nagtapos ng sekundarya. Ang pangmamayang kalagayan ng karamihan sa mga respondente ay may asawa at may mga anak na apat na taong gulang at pataas, at may 3-4 na anak na nag-aaral o nagtapos na. Ang pakikilahok sa sesyon sa pag-unlad ng pamilyang Pilipino ang may sapat na kaalaman base sa pasalitang interpretasyon at sa resulta ng weighted mean. Subalit, ang bawat aspeto ay may nakitang mahalagang resulta base din sa weighted mean upang mabigyan ng sapat na atensyon ang aspeto ng edukasyon, lalo na ang resulta ng weighted mean ng bilang 5 na may pinakamababang resulta. Samantalang ang aspeto ng kalusugan ang F-value 14.66 ay mas mataas sa p-value na 0.000 upang ang haka ng pag-aaral ay hindi tanggapin. Ang ibig sabihin nito ay ang antas ng kamalayan ng respondente sa pantawid pamilyang Pilipino program (4P's) ay may makabuluhang pagkakaiba base sa kanilang propayl.

 

DISCUSSIONS

Base sa resulta ng mga datos na nakalap, ang mga sumusunod na lagom ay nakuha at nailapat; Marami sa mga tumugon sa talatanungan ng mga mananaliksik ay sumasakop sa kasarian na babae, edad na 41 taong gulang pataas, may asawa, at natapos ng sekundarya, may edad na apat na taong gulang at pataas, at may 3-4 na anak na nag-aaral o natapos na. Ang kakulangan sa kaalaman ng magulang ng mga batang benepisyaryo ay nagpapahiwatig ng kakulangan din sa pagsunod sa mga nabanggit na responsibilidad na kaakibat sa pagtanggap ng benepisyo ng programa. Ang pangunahing kaalaman ng mga respondente ay naayon sa pagtanggap ng batang benepisyaryo sa tabletang pampurga, at sa pagdalo ng mga benepisyaryong magulang sa talakayan o sesyon ng pagiging responsableng magulang. May sapat na kamalayan ang mga respondente sa "Pakikilahok sa Sesyon sa Pag-unlad ng Pamilyang Pilipino”. Ang pagsasaliksik ay pinatunayan na ang propayl ng magulang ng mga batang benepisyaryo ay may makabuluhang epekto rin sa kanilang kamalayan ukol sa pagsasakatuparan ng pantawid pamilyang Pilipino program or 4P's. 

Published

2019-01-18