Juan sa Silid-Aralan: Pag-uugaling “Bahala na” at Pagpapasya ng mga Mag-Aaral ng Calamba City Senior High School

Authors

  • Jimwel Bryan Christopher P. Ferrer

Keywords:

“Bahala na”, Pagpapasya, Mag-aaral

Abstract

INTRODUCTION

Ang pananaliksik ay isinagawa upang tukuyin ang kaugnayan ng paguugaling “Bahala na” at ang kakayahang magpasya ng mga mag-aaral. Lubusang pinagtuunan ng pansin ang (1) mga salik na makakaapekto sa pag-uugaling “Bahala na”, (2) ang epekto ng pag-uugaling “Bahala na” sa pagpapasya ng mag-aaral, at (3) ang mga paraanupang malabanan ng mga mag-aaral ang pag-uugaling “Bahala na” pagdating sa pagpapasya.

 

METHODS

Ginamit ang penomenolohiyang pamamaraan upang talakayin ang karanasan ng mga mag-aaral na maaaring may kinalaman sa pag-uugaling “Bahala na”. Pinag-aralan ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa epekto ng pag-uugaling “Bahala na”. Ang mga mag-aaral ng Calamba City Senior High School na umamin na may pag-uugaling ““Bahala na” ay pinili upang maging kalahok. Walo (8) ang pinili sa batayan ng antas o kadalasang pagpapakita ng pag-uugaling “Bahala na”. Ang mga natuklasan ng mga kalahok ay ginawan ng tema.

 

RESULTS

Napag-alaman na ang mga salik sa pag-uugaling “Bahala na” ay (1) ang kahinaan sa time management, (2) motibasyon sa pag-aaral, at (3) mga pagkalingat sa pag-aaral. Ang epekto ng pag-uugaling “Bahala na” sa pagpapasya ay (1) ang kalidad ng gawa at (2) ang pagtimbang ng pagpapasya. Samantala, kung kailangang gawin ang isang napakahalagang gawain, nagagawang labanan ng mga mag-aaral ang pag-uugaling “Bahala na”.

 

DISCUSSIONS

Samakatuwid, (1) malaki ang epekto ng sarili at ng kapaligiran sa antas ng paguugaling “Bahala na”; (2) ang pag-uugaling “Bahala na” ay pinapairal sa mga bagay na sa tingin ng mga mag-aaral ay may mahabang halaga lamang pero hindi sa mga mahahalagang bagay; at (3) nagagawang labanan nang panandalian ng mga mag-aaral ang pag-uugaling “Bahala na” sa pagkakataon ng napakahalagang gawain sa loob ng paaralan.

Published

2019-01-18