Ps 2k sa Filipino 9 (Pinaigting na Pagsagawa ng Remedial Class gamit ang Kontekstwalisadong Kagamitan sa Filipino 9): Tugon sa Pagpapababa ng Failure Rate sa Seksyon Calvin sa Ika-apat na Markahan

Authors

  • Rochelle Dalag

Keywords:

remedial class, kontekstwalisado

Abstract

INTRODUCTION

Isa sa layunin ng Departamento ng Edukasyon ay ang pagkakaroon ng zero failure rate sa anumang lebel kaya nagpatupad ng isang memorandum hinggil sa pagsasagawa ng remedial classes (Department of Education Order No. 8, 2015). Kaya layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyang katuparan ang nasabing hangarin.Sa ikatlong markahan sa seksyon Calvin sa kasalukuyang taon, mabilis ang pagtaas o pagdami ng bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng mababang marka at nanganganib na bumagsak sa nasabing asignatura. Umabot ng 15 mag-aaral o 25% ang itinaas sa ikatlong markahan.Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas sa kabisaan ng Pina-igting na Pagsagawa ng Remedial Class gamit ang Kontekstwalisadong Kagamitan sa Filipino 9 o P's2k bilang tugon sa pagpapababa ng failure rate at pagpapaunlad ng lebel ng pagganap sa 15 mag-aaral ng Calvin sa ika-apat na markahan ng Gamut National High School, S.Y 2017-2018.

 

METHODS

Ang mananaliksik ay gumamit ng P's2k upang matugunan ang suliranin sa failure rate sa Filipino9. Bumuo ang mananaliksik ng kontekstwalisadong kagamitan mula sa mga tukoy na kompetensi na siyang ginamit sa pagsagawa ng remedial class sa 15 mag-aaral. Sinimulan ng mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsuri sa mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral sa Written Works at Performance Tasks. Mula sa talaan, natukoy niya ang mga mag-aaral na may mahinang lebel ng pagganap sa Filipino 9 at nanganganib na lumagpak sa nasabing asignatura. Ang pagsasagawa ng remedial class ay nakabatay sa Unified Remediation Schedule na binuo ng nasabing paaralan.

 

RESULTS

Sa pagtatapos ng pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang pagbaba o pagkawala ng bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng marka na 70-74 at ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na umunlad ang lebel ngperformans. Mula sa 15 mag-aaral o 25% ay naging 0 bilang o 0% ang may mahinang lebel ng performans na mga mag-aaral ng seksyon Calvin sa ika-apat na markahan.

 

DISCUSSIONS

Napag-alaman ng mananaliksik na mabisa ang paggamit ng P’s2K upang mapadali ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 9. Kadalasang nahihirapan ang mga mag-aaral na unawain ang paksa sa Filipino 9 dulot ng mahahabang babasahin at komplikadong gawain na nakasulat sa modyul kaya naman kadalasang nauuwi sa mababang iskor o kaya walang iskor na makuha lalo na ang mga mag-aaral na nasa mababang lebel ng performans.Mahalagang mabigyan ng tugon ang pangangailangan ng mga mag-aaral para sa makabuluhan at epektibong pagkatuto sa bawat asignatura.

Published

2019-01-18