Strategic Intervention Material (SIM) sa Pagtuturo ng Panitikang Filipino Grade 8sa Pampublikong Paaralang Sekundarya

Authors

  • Arnold Concepcion

Keywords:

SIM sa pagtuturo ng panitikang pilipino

Abstract

INTRODUCTION

Ang pangunahing suliranin sa pag-aaral ay ang pagbuo at pagtaya sa Strategic Intervention Material (SIM) sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa Grade 8. Ang mga tiyak na suliranin ay:ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral batay sa:Achievement Test Grade 7; Resulta ng Formative Test: Ikatlong Markahan (Grade 8 :2017-2018): at Grado sa Asignaturang Filipino:Grade 8 2017-2018, ang kasanayang binigyang-diin batay sa resulta ng kakayahan ng mga mag-aaral na binigyang-diin sa pagbuo ng SIM tulad ng :Kaalaman (Knowlegde), Komprehensyon (Comprehension), Aplikasyon (Application ) at Sintesis (Synthesis): ang resulta ng pagtataya ng mga guro sa Filipino sa SIM batay sa 4 na pangunahing bahagi nito: Guide Card, Enrichment Card,Activity Card at Assessment Card, ang resulta ng pagtataya sa SIM batay sa Pre Test at Post Test.

 

METHODS

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay 10 guro sa Filipino mula sa Ikalawang Distrito ng Tiaong, Quezon na may 3 hanggang 5 taon sa pagtuturo at mga napiling 60 mag-aaral gamit ang purposive random sampling, 30 mga mag-aaral para sa eksperimental at 30 mga mag-aaral sa tradisyunal na lapat ng pagtuturo. Deskriptibo at eksperimental na pananaliksik ang ginamit na disenyo ng pag-aaral. Gumamit ito ng Statistical Treatment na Mean, para sa documentary analysis, Weighted Mean , sa balidasyon ng binuong SIM na ibinatay sa Deped Curriculum Guide sa pag-aaral ng Filipino para sa baitang 8.

 

RESULTS

Lubhang Tinatanggap ng mga guro sa Filipino ang binuong SIM sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang Mean ng Pre Test para sa Eksperimental at Kontrol na pangkat ay 10.77 at 10.83. Ang computed t-value ay -1.419 na mas mababa sa tabular value na 2.045 kayat walang mahalagang pagkakaiba.

 

DISCUSSIONS

Ang Mean ng Post Test para sa eksperimental at kontrol na pangkat ay 16.23 at 11.13. Ang nakuhang computed t-value ay -6.70 na mas mataas kaysa sa tabular value na 2.045 kaya't ito'y may mahalagang pagkakaiba at nagpatunay na naging mabisa ang ginawang SIM.

Iminumungkahig gamitin ang binuong Strategic Intervention Material (SIM) sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino Grade 8.

Published

2019-01-18