Pagsasalin sa Filipino ng Modyul Pang-Awtomasyong Industriyal: Tungo sa Modernisasyon ng Wikang Filipino

Authors

  • Amelita Madrid

Keywords:

PAGSASALIN

Abstract

INTRODUCTION

Hindi maitatanggi na malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ni Kristiyanismo sa ating bansa. Nang dumating ang mga Kastila dito, sinikap nilang pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa wikang nauunawaan ng mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang paraan ng pagsamba. Mahalaga rin naalamin ang estilo ng pagsasaling-wikang proyekto.

 

METHODS

Ginamit ng risertser ang pamaraang deskriptib upang makatiyak sa kahusayan ng salin, kung ano ang lebel ng pagsang-ayon ng mga ekspert bilang mga respondent/ebalweytor. Isang set ng kwestyuneyr ang nagsilbing pangunahing instrumentosa isinagawang pag-aaral. Ang mga ekspert na kalahok ay pinili ng risertser base sa kanilang ekspertis (tagapagsaling wika, propesor sa Filipino, enhenyero elektrikal, propesor at tagapagsanay sa kursong pang-awtomasyon, propesor sa elektrisidad at elektroniks). Sila ang itinuring na respondent/ ebalweytor. Ang kanilang mga kredensyal, mga kaalaman at kasanayan sa larangang pinag-aralan, sa wika, pagsasalin at sa kaalamang panteknolohiya ay sapat upang kanilang mapagpasiyahan ang kahusayan, kalinawan at ang pagiging katanggap-tanggap ng salin sa mga target na gagamit. Sa pagpili ng tekstong isinalin, isinaalang-alang ng risertser ang sinasabing dapat na maging malapit sa puso ng tagapagsalin ang tekstong kanyang isasalin. Dahil sa layuning makapag-ambag sa pagpapalaganap ng mga panguhing kaalaman sa makabagong teknolohiya at sa debelopment at pagpapayaman ng ating wika, napagpasiyahang isaling ang modyul na nakasulat sa wikang Ingles. Ingles and simulaang lenggwahe (SL) tungo sa wikang Filipino, ang target ng lenggwahe (TL).

 

RESULTS

Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ginagamit sa pagsasalin, maiinntindihan ng mga target na gagamit ang saling teksto. Magsisilbing itong pantulong sa mga estudyante para sa mabilis na pagkaunawa at pagkatuto sa mga araling pinag-aaralan at mga gawaing sinasanay.Ang pagtanggap at paggamit ng kagamitang panturong tulad nito ay lumilinang sa intelektwalisasyon ng ating wika.

 

DISCUSSIONS

Ang ating wika ay nadadala sa proseso ng modernisasyon sa pamamagitan ng panghihiramn, paglikhaat pagkakarga ng dagdag na kahulugan sa kasalukuyang salita. Dagdag na ambag ng salin ng modyul, tulay ito para sa gawaing bilinggwal, sa pangkabuhayang aspeto, sa pamamagitan ng salin, maraming mga manggagawa ang makaiintindi, magiging instrumento sa pagsusulong at pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.

Published

2019-01-18