Pagbuo ng Sanayang Aklat sa Pagtuturo ng Mga Kuwentong Bayan ng Lungsod ng Koronadal: Batayan sa Pagtukoy ng Antas ng Pagpapahalaga sa Panitikang Katutubo
Keywords:
Sanayang Aklat sa Pagtuturo, Lungsod ng Koronadal, Mga Kuwentong Bayan, Pagpapahalaga sa Panitikang KatutuboAbstract
INTRODUCTION
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipakita ang antas ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa panitikang katutubo, aalamin ng pag-aaral na ito kung may mas mabilis bang pagkatutong nagaganap sa mga mag-aaral gamit ang mga panitikang katutubo.
METHODS
May 2 bahagi ang pananaliksik: 1) pagkuha ng mga kuwentong bayan (KB) mula sa mga taong edad 60 pataas at nakatira sa sa Lungsod ng Koronadal nang mahigit 25 taon. 2) isinadokumento ang KB na ito at ginawan ng Sanayang Aklat (SA) na gagamitin ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan at balarila. Kumuha ng 163 respondente mula sa 5 paaralang pampubliko sa pag-aaral na nagtakda sa balidasyon at pagpapahalaga ng SA. Habang sa akseptabiliti ng SA ay naging katuwang ng pag-aaral ang mga guro sa asignaturang Filipino bilang pool of experts na tumanggap sa nabuong SA. Ginamit sa pag-aaral na ito ang modified rating scale, frequency counts, weighted mean, rank at Verbal Interpretation upang matukoy ang baliditi, akseptabiliti at pagpapahalaga sa panitikang katutubo. Kasama na ang pagkuha ng pre-test at post-test.
RESULTS
Sa baliditi ng SA, napatunayan ng pananaliksik na tumaas ang natamong iskor ng mga mag-aaral batay sa isinagawang pre-test at post-test, tumaas ng 4-7 puntos matapos ang ginawang pagpapakitang turo. Sa pagpapahalaga ng katutubong panitikan, lubos na tinanggap at pinaniwalaan ng mga mag-aaral ang KB naisulat na may kabuuang mean score na 4.55. Sa akseptabiliti ng SA ay nakakuha ng total mean score na 4.94 ang nabuong SA ibig sabihin, lubos na lubos na tinatanggap ng mga mga guro sa Filipino ang nabuong work book upang magamit sa pagtuturo, higit sapagtuturo ng katutubong panitikan.
DISCUSSIONS
Napatunayan ng pananaliksik na ito ang mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang KB at mas napahahalagahan nila ang katutubong panitikan sapagkat nagpapakita ito ng pamilyar na kultura at paniniwala nahumubog sa kanila. Gayundin, kailangan ng mga guro sa Filipino ang isang aklat na kanilang magagamit upang ipakita ang katutubong paniniwala at pagpapahalaga ng isang bayan.Kung kaya inirerekomenda ng pag-aaral sa mga administrador ng paaralan ang pagpasok at integrasyon ng mga katutubong panitikan sa asignaturang Filipino upang mas mapahalagahan pa ang mga panitikang bayan at katutubong kultura. Kailangang bumuo rin ng reading program ang paaralan na ang sentro ay mga katutubong panitikan upang mabilis na maipaunawa sa mga frustrated reader o independent reader ang konsepto at pangyayari sa teksto nang walang anumang balakid.