MS-TaLA (Matalinhagang Salita-Talasalitaan Linangin Araw-araw) sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Talasalitaan ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Cavite National Science High School 2016-2017
Keywords:
MS-TaLA, Talasalitaan, WikaAbstract
INTRODUCTION
Ang matalinhagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika (Filipino-Panitikang Pandaigdig-Modyul para sa Mag-aaral, 2015). Ang talasalitaan naman ay talaan ng mga salita at parirala na may kahulugan at inayos ng paalpabeto o tinatawag din bokabularyo o mga salita ng isang wika (Diksyunaryo Pilipino, 1994). Layunin ng pananaliksik na ito na mapaunlad ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa matalinhagang salita at talasalitaan sa pamamagitan ng MS-TaLA (Matalinhagang Salita-Talasalitaan Linangin Araw-araw).
METHODS
May isang daan at dalawampu't isang (121) mag-aaral na kalahok sa Baitang 10. Ang intervensiyong MS-TaLA ay sinimulan sa buwan ng Hunyo at natapos sa buwan ng Pebrero. Apat (4) na beses ang klase sa Filipino. Gamit ang Power Point Presentation, bawat araw ay may limang (5) bilang ng matalinhagang salita o talasalitaanna sinagutan sa loob ng 2 minuto at iwinasto pagkasagot. Sa ikaapat na araw ng klase, ibinigay ang 15 aytem sa nakaraang 3 araw na sinagutan sa loob ng 5 minuto at iwinasto pagkasagot. Pinaghambing ang bilang ng tamang sagot sa unang 3 araw at sa ikaapat na araw ng MS-TaLA. May Talatanungan (Questionaire) din kaugnay sa antas ng kasanayan sa Matalinhagang Salita at Talasalitaan. Sinagutan ang nabanggit na mga tanong sa paraang "Self-Assessment".
RESULTS
Ang bilang ng tamang sagot sa ikaapat na araw sa MS-TaLA ay mas mataas kaysa sa pinagsama-samang puntos sa naunang 3 araw. May positibong resulta naman ang mga sagot sa dalawang (2) tanong. Ang antas ng kasanayan sa Matalinhagang Salita at Talasalitaan ay tumaas mula sa 7.43 % sa 71.9 at 0 % sa 18.2% sa huling magkasunod na antas ng kasanayan bago at pagkatapos ng implementasyon ng MS-TaLA. Pinatunayan ng pagbabago ng bahagdan sa antas ng kasanayan na ang MS-TaLA ay may positibong epekto sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Matalinhagang Salitaat Talasalitaan.
DISCUSSIONS
Batay sa resulta, ang MS-TALA ay nakapagpaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Matalinhagang Salita at Talasalitaan. Inirerekomenda na maging bahagi ang MS-TaLA sa araw-araw na pagtuturo ng Filipino.