Heograpikong Varayti Ng Tagalog-Batangas Ng Mga Guro At Mag-Aaralsa Ilang Piling Lugar Sa Batangas: Tungo Sa Pagbuo Ng Modelo Sa Pag-Aaral Ng Varayti Ng Wika

Authors

  • Demetrio Bautista

Keywords:

HEYOGRAPIYANG VARAYTI VARAYTI NG WIKA

Abstract

INTRODUCTION

Ang pag-aaral ng varayti ng wika ay isa na ngayong disiplina at nais ng mananaliksik na makatulong upang mapalawak ang disiplinang ito. Ang karanasan sa pagtuturo ng guro sa mga mag-aaral ay naimpluwensyahan ng iba't-ibang mag-aaral sa paraan nang pagbigkas at talasalitaang ginagamit. Nais patunayan ang teorya ni Giles -ang teorya ng akomodasyon.

 

METHODS

Ang mananaliksik ay gumamit ng pamaraang deskriptibo na ang layon ay mailarawan ang heograpikong varayti ng Tagalog-Batangas sa ilang piling bayan ng Batangas ayon sa impluwensya ng mga karatig lugar. Ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay ang inihandang talatanungan para pasagutan sa mga guro at videong ginamit sa mga guro at mag-aaral sa ginawang pakikipanayam. Ang ginamit na mga hakbang sa pangangalap ng datos ay ang mga sumusunod: 1.) paghahanda sa pagkuha ng datos, 2.) pagpili samga lugar, 3.) pagkuha ng video sa mga kalahok, 4.) pagpapasagot sa talatanungan, 5.) pakikipanayam, 6.) pagta-transkrayb at pagwawasto sa mga datos, at 7.) koding ng mga datos.

 

RESULTS

Ang varayti ng Tagalog-Batangas sa paraan ng pagbigkas ng mga salitang mga guro at mag-aaral na taga-Lobo, Batangas na naimpluwensyahan ng mga guro at mag-aaral na taga-Calapan Oriental Mindoro. Matigas ang paraan ng pagbigkas ng mga salita tulad ng /pidi/ sa /pede/ at /tapus/ sa /tapos/ ay ilan sa mga halimbawa ng ganitong paraan ng pagbigkas. Ipinakita din ng mga guro at mag-aaral ang pagpapahaba ng diin sa paraan ng pagbigkas tulad ng /gayon/ sa /gay.on/ at /ngayon/ sa /ngay.on/.

 

DISCUSSIONS

Ang ganitong sitwasyon sa paraan ng pagbigkas ay impluwensya ng interaksyon ng mga guro at mag-aaral sa mga guro at mag-aaral sa probinsya ng Romblon na kalapit ng Oriental Mindoro at nadala naman ng mga taga-Oriental Mindoro sa Lobo, Batangas. Naging gamitin din ng mga guro at mag-aaral na galing sa Lobo, Batangas ang mga salitang galing sa Oriental Mindoro tulad ng tason, tanggoy, paraka, bomba,uuna na at lamog. Ginamit din ng mga guro at mag-aaral na galing sa Oriental Mindoro ang mga salitang galing sa Lobo, Batangas tulad ng umayos ka, pag-igihin, nagsungasob, pangkal, papanhik,papanaog, hunta, nabubo, busilig, patikar, bumuog, bangibi, dudukal, hibahib at asbar. Ang mabilis na paraan ng pagbigkas ng mga taga-Nasugbu, Batangas ay ang pagkakaroon ng pagputol ng mga salita upang ipakita na may diin sa unang pantig ng salita tulad ng /pasanin/ sa /pas.anin/,/dagim/ sa /dag.im/ ,/mabigat/ sa /mabig.at/, /ganoon/ sa /gan.on/ at /gabihin/ sa / gab.ihin.

Published

2019-01-18