Proyektong LINGAP Komiks (LikhangInstrumento na Gabay Aral sa Pagbasa sa paraang pa-Komiks) ng Baitang 7
Keywords:
Komiks at pagbasaAbstract
INTRODUCTION
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang matugunan, pukawin ang interes, mabigyang gabay at lunas ang pangangailangan at maaaring kabagutan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Naic National High School sa pagbasa.
METHODS
Ang pananaliksik na ito ay ibinase sa resulta ng pauna at huling Antas ng Kakayahan sa Pagbasa (Pagkilala sa Salita at Pag-unawa sa Binasa) sa Filipino. Ang bawat limang mag-aaral sa bawat pangkat sa baitang 7 na nakakuha nang pinakamababang marka na may kabuuang limampu (50) ay binigyan ng Gabay Tanong sa Pananaliksik upang matukoy at mauri ang sanhi o dahilan ng mga mag-aaral sa kawalan ng interes sa pagbasa.
RESULTS
Gamit ang nakuhang datos sa paunang pagsasagawa ng sarbey, ang pangkat ng Filipino ay nagsagawa ng interbensyon sa pagbasa gamit ang proyektong LINGAP Komiksna ang layunin ay maipakita ang kakayahan ng pagbasa at pag-unawa sa paraang pa-komiks at matukoy kung may pagkakaiba ang epekto gamit ang paraang ito at ang patalatang babasahin. Naipakita sa datos na nakalap na tumaas ang pang-unawa at interes ng limampung (50) mag-aaral sa pagbasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na inilaan pagkatapos ng dalawang paraan ng pagbasa. Ang patalatang gamit sa pagbasa ay nakakuha ng Mean Score na 7.02 at SD na 1.25 at MPS na 70.20. Ang paraang pa-Komiks ay nakakuha ng Mean Score na 7.52, SD na 0.89 at MPS na 75.20.
DISCUSSIONS
Isang positibong pagpapakita na sa pagpapatuloy nang paggamit at pagtaguyod ng proyektong LINGAP Komiks ay mas mapahuhusay pa ang mga gagawing pagbasa sa mga aralin at mga literatura na kung saan ang pangunahing pagtalakay sa mga aralin lalo na sa asignaturang Filipino ay nagsisimula. Nagsisilbi itong isang pagganyak sa pagbasa, pumupukaw sa interes ng mag-aaral upang magbasa, nakakukuha nang pag-unawa ang babasa at kikintal sa kanilang gunita dahil sa mga larawang nadagdag sa kanilang ikauunawa.Ngayon, hindi na ito isang Komiks lang, isa na itong bahagi ng lipunan, bahagi ng tahanan, isang instrumento na kagamit-gamit sa paaralan na laman ang mga babasahing magpapaunlad sa kamalayan ng bawat kabataan tungo sa wika at kasanayan.