Ang Relasyon ng Makrong Kasanayan sa Filipino at Performans sa Pang-Akademiko ng K-12 ng mga Piling Mag-aaral sa Baitang 7 ng Paaralang Sekondarya ng Agham Lungsod ng Tagaytay Taong Panuruan 2016-2017

Authors

  • Elsa De Leon

Keywords:

K-12 Kurikulum, Pakikinig, Pagbasa, Pag-unawa, Pagsasalita, Makrong Kasanayan

Abstract

INTRODUCTION

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, nakasalalay ang mensaheng nais niyang iparating sa kaniyang kapwa. Upang ang tao ang mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin ang mga kasanayang pangwika. Sinuri sa pananaliksik na ito ang relasyon ng makrong kasanayan sa Filipino at perpormanssa pang-akademiko ng K-12 ng mga piling mag-aaral sa baitang 7 ng paaralang sekundarya ng agham Lungsod ng Tagaytay taong panuruan 2016-2017.

 

METHODS

Ginamit sa pag-aaral ang disenyong korelasyon at palarawang siyasat o descriptive method. Ang bilang ngmga mag-aaral na tumugon ay 80 mula sa kabuoang 400 na mag-aaral. Ginamit ang random sampling. Kinuha ang 20% ng kabuo ang bilang ng mag-aaral. Gumawa ang mananaliksik ng pagsusulit batay sa mga Kasanayang Pampagkatuto K to 12 Curriculum Guide. Binigyang pakahulugan ang mga datos sa pamamagitan ng mga sumusunod: frequency count at ranking,percentage,mean,T-test,one-way ANOVA at Pearson-r.

 

RESULTS

Natuklasan na mas maraming nasagot na tamang tanong ang mga babaeng mag-aaral. Hindi nakaapekto sa kanilang makrong kasanayan ang antas ng katayuan sa buhay at wikang gamit sa tahanan. Ang mga makrong kasanayan na nabibilang sa mataas na antas ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ay pagsulat na may 71% at pagbasa na may 53%. Ang mga makrong kasanayan na may kahirapan sa mga mag-aaral ay pakikinig na may 44%, pagsasalita na may 31% at panonood na may 9% ng mga estudyanteng nakakuha ng iskor na 6 pataas.Ang performans pang-akademiko ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba; karamihan ay nakakuha ng gradong 85, 90, 86, 87at 89. May relasyon ang kasanayan sa performans pang-akademiko ng mga mag-aaral batay sa programang K-12.

 

DISCUSSIONS

Ang unang bahagi ng kabanata ay naglalarawan sa mga katangiang demograpiko ng mga kalahok na mag-aaral sa pananaliksik. Nakasentro ang ikalawang bahagi ng kabanata sa pagtukoy sa makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood na nabibilang sa mataas na antas ng pagkatuto sa asignaturang Fillipino.Sinusundan ito ng pagtukoy sa performans na pang-akademiko ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa programang K-12. Nakasentro ang ikaanim na bahagi sa relasyon ng kasanayan sa performans pang-akademiko ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa programang K-12. Nakatuon naman ang huling bahagi sa pagtukoy sa programang interbensyon na maaaring isagawa upang mapataas ang antas ng makrong kasanayan.

Published

2019-01-18